Wednesday, July 9, 2008

makulit ang tatay ko!


Ang kulit ng Tatay ko!

Sa twing gabi na lang at pupuntahan ko ang tatay ko sa labas ng bahay namin para agawin ang pwesto nya(sa Duyan,sa ilalim ng mga butuin, kung saan masarap mangarap) Twing makikita namin ang mga star na ito( kung familiar sa inyo) lagi nyang sinasabi "anak star ko yun, tas Yun pa at YUn, anak nakikita mo?" ang kulit magmula nung bata ako ganun na lagi sinasabi nya sa akin twing nakikita namin yung mga star nya. sabi ko naman dahil akoy nagsawa na.."oo pa star nyo lang di ko naman inaagaw." sabay hirit."papa ako naman magduduyan"hehe.. sabay sagot. "Anak naman noon mo pa ako inaagawan ng pwesto" nagsawa na rin ata syang inaagawan ng pwesto,hehe, kaya akoy kukuha na lang ng bangko at uupo sa tabi nya sabay iduduyan ko na lang sya.


Sa kakulitan ng tatay ko, nabuo ang pangarap ko, sa mga butuin ko rin kasi halos sinasabi mga hiling ko, madalas ako humiling sa kanila ganun din siguro ang tatay ko?

Paniniwala, minsan ang naghahatid satin sa ating pangarap. Mangarap lang kayo at maniwala wala namang masama dun,at libre pa!

No comments: