Child Abused?
Ang batang ito ay isa sa mga dumadaming pinsan ko.. Sya ay si Jaysam, hindi sya nabugbog o minaltrato ng magulang, Sya ay nadisgrasya dahil sa pagbibisikleta. NUng kinuhanan ko sya ng larawan eto ang nasabi nya, "ate ang sama mo bat moko pinicturan?" Sabi ko naman, "gagamitin ko tong documentary sa school project namin tungkol sa child abused".sabay habol sa akin ng pinsan ko, kaya sinabi kong "joke lang yun" kasi pagod na akong tumatakbo baka ako sumunod na madapa at magmukhang child abused.haha...well gumagawa lang ako ng kwento di naman nya ako hinabol.pinagloloko ko lang kayo.
Pero sa panahong ngayon, pag nanonood ako ng balita, lagi na lang akong nakakapanood ng pag aabuso ng mga bata.(gayahin ang boses ni mike enriquez) "Magulang minaltrato ang anak" o kaya "Bata natagpuang patay patay patay!" Sus! Di ko alam ang magiging reaction ko,magagalit ba or wag ko na lang panoorin. Sa ngayon parang sanay na ata ang mga taong nakakarinig ng ganitong balita, wala na rin silang reaction minsan.
Sabi nga ni Rizal "ang mga bata ang pag asa ng bayan" naniniwala naman ako sa kanya kaso minsan hindi na kasi ang tingin na minsan ng lipunan sa mga bata eh wala na silang karapatan, at wala ng patutunguhan at isa na lang silang salot sa bayan.
Ang hiling ko lang sa bawat magulang sana, ingatan,alagaan at protektahan ang bawat bata dahil sa huli, sila din ang ating pag asa. Wish ko lang.
THE 6th Panti Experience
14 years ago
No comments:
Post a Comment