Saturday, July 5, 2008

ANG ALAMAT NG PINIRITONG KANDULE

Part 1

Isang araw, sa siyudad ng Prontera kung saan matatagpuan ang katakutakot na tao, merong isang swordie na nagngangalang Pritong Kandule ang naglalakad habang ngitngit na ngitngit.

"Amp na knight yon, nagsamon ba naman ng injustice tapos biglang naghide. Paq u sya. Pag mataas na lvl ko, ay isa na din akong knight, hahamunin ko yun ng PBP".

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Pritong Kandule ay lvl 21 na swordie. At oo matagal na siyang lvl 21. Tinatamad na siyang pa lvl up kasi mahirap daw pumatay ng mga monsters at sawa na siya sa mga poring.

"Amp naman kasi, bat sa int ko pa nailagay lahat ng istat ko e. Kala ko kasi pede kong magmagic, hindi pala. Paq!" 'Yan ang madalas na sinasabi ni Pritong Kandule sa sarili niya..Pero bago tayo malayo, sundan muna natin si Pritong Kandule.

Pumasok siya sa isang pub. Madaming tao sa loob ng pub kaya sa sulok siya nakapuwesto. pagka up niya, hinampas niya agad ang lamesa sabay sigaw na "KAPRA! PAHINGI NG ISANG ALCHOL! AMP! KE BAGAL BAGAL!
Dahil sa kanyang pagsigaw, nagtinginan ang mga nasa loob ng pub na karamihan e mga novice na naghahanap ng magtatank sa kanila. "ABA BAKIT KAYO NAKATINGIN? MAY ANGAL KAYO? PBP!", ang hamon ni Pritong Kandule sa mga tao sa loob. Sabay sabay na nagbalikan ang mga novice sa kanilang ginagawa, ang iba ay nagyukuan, nanginginig sa takot.

Lumapit ang kapra at iniabot kay Pritong Kandule ang alcohol. "Yan! kung ganyan ba naman ang serbisyo niyo e e di hindi kayo nasisigawan. Amp... Teka nga pala, kilala mo ba yung kapra sa comodo? Pag nakita mo sabihin mo type siya ni Pritong Kandule ha" Umiling lang ang kapra sabay talikod. "Aba't bastos tong..... makainom na lang nga."At tinungga ng tinungga ni Pritong Kandule ang kanyang Alcohol.......

Makalipas ang ilang sandali, tinawag ng ating bida ang kapra. "Magkano ba to?". "10k, pero mas mahal pagtrade", sagot ng Kapra. Bigla nalang namutla si Pritong Kandule at nasabi sa sarili "Amp! pangwarp nga sa comodo kulang pa zeny ko e, tapos 10k sinisingil sa kin........ Aha alam ko na."

"10k lang pala, sige ideal mo ko!" dineal nga siya ng kapra, pero biglang kinancel ni Pritong Kandule. "Teka lang ulitin mo. Amp! ang bagal!" dineal ulit siya ng kapra. Ang hindi alam ng kapra ay may kinuha si Pritong Kandule sa bulsa na flywing. "Wahihihihi" sabi ng ating bida sabay nawala..

Natulala ang kapra, sabay sabi na "Scammer!. Bwiset!!!

Samantala, si Pritong Kandule ay napunta sa gitna ng Prontera. "Ahehe, nakalibre na naman. Naglakad siya papuntang BS PIONT habang nagsisisigaw ng "MGA GM PAQ U KAYONG LAHAT!!! KAYO DIN MGA PAQ U KAYO!!!!" ng paulit ulit.


Part 2

PAQ U KAYO MGA GM!!!!" "POTANGNA NYO LAHAT!!!" paulit ulit na sigaw ni Pritong Kandule habang naglalakad papuntang BS PIONT. Bigla na lang siyang napabunghalit ng tawa nga madami siyang nakitang patay na naglatagan sa Prontera.

"Amp........Nyahahahaha! Andaming patay!!! MGA LOSER KASI KAYO!!!!! LOSEERRR!!!!!! PAQ U KAYO MGA LOSERRRR!!! NYAHAHAHAHA!!!

Tuwang tuwa siya ng bigla siyang nagulat ng may makita niya si Baphomet sa harap niya. Dahil sa lakas ng loob at sobrang tiwala sa sarili, binunot ng lvl 21 na swordie ang kanyang Double Vital Falchion (kaya double vital kasi agi knight daw siya) at sinugod si Baphomet na busy sa pagpatay ng mga merchant na walang kibo. "HUMANDA KA BAPHOMET, MATITIKMAN MO NA ANG TALIM NI PRITONG KANDULEEEEEEEE!!!"

Sa maiksing sandali na yun, may isa pang pumasok sa isip ni Pritong Kandule "at magkakaron na rin ako ng MAGESTIC GOAT!!!!!!!! NYAHAHAHA!!!!! HUMANDA KA BAPHOMET HETO NA ANG KATAPU.... igik......" Hindi na natapos ni Pritong Kandule ang kaniyang sasabihan dahil binunngo siya ni Bapho. at oo, patay ulit ang ating bida.

"PAQ!! AMP!! GM NA NAMAN NAGSAMON SA INYO!!! PAQ U KAYO MGA GM!!" "Oy Baphomet, hintayin mo ko, magtutuos tayo ulit PBP TAYOOOOO!!!"

Nawala ang katawan ni Pritong Kandule sa BS PIONT at nagrespawn sa south ng siyudad ng Prontera. Hindi pa nakakagalaw e bigla na namang nawalan ng ulirat ang ating bida dahil pinatay naman sia ni Dark Lord. "AMP!!! POTA KA DARK LORD!!! TRAYDOR!!! HINDI PA KO HANDA!!! KUNG TOTOONG LALAKE KA, LABANAN MO KO NG PBP!!! HAYOP!!!"

Makalipas ang dalawang oras, at 30 beses na pagkamatay sa respawn area, nakapagrespawn na si Pritong Kandule ng matiwasay dahil napatay na ng mga wiz, knights, hunters, bs at priests. "NASAAN NA YANG MGA POTA NA YAN!!! BAPHOMEEEETTT!!! LUMABAS KAAA!!!!!!OI DARKLORD!!! ANDITO KO!! ALAM KONG AKO ANG HANAP MO!!!" syempre wala ng lumabas dahil patay na sila.

"Ngayon pa lang ako nangangainit e ngayon pa kayo nagtakbuhan. mga duwag amp!". dahil sa pagod sa paulit ulit na pagkamatay, nagpahinga muna siya sa isang tabi at doon niya naisip." Dumadami na mga kalaban ko, mahirap talaga ang sikat. siguro kailangan ko ng kumuha ng mga kaparty......"


Part 3
with guest appearances by kelvs and Waukeen


"PAQ U KAYO MGA GM!!!!!" sigaw muli ng ating bida habang palakad papunta muli sa BS PIONT.

Pag dating niya sa BS PIONT, may nakita siyang isang Black Smith na nagngangalang Waukeen. Nagtitinda si Waukeen ng kanyang mga forged weapons at pots. "Nyahahaha, mukhang may magogoyo na naman ako".

Lumapit siya kay Waukeen sabay tingin sa mga tinitinda nito. "Magkano yang Fire Claymore mo?" tanong ni Pritong Kandule.

"7M lang"

"Payag ka ba kung trade?"

"Ok lang, ano ba trade mo?"

"Sige i-deal mo ko"

Pagkadeal sa kaniya ni Waukeen, pinakita niya ang kaniyang pinagkakaingatang armas, na nakatulong niya sa buhay at mas maraming kamatayan, ang kaniyang ipinagmamalaking DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya).

"Sige, tnx na lang..... /swt" sabay cancel ni Waukeen sa deal.

"AMP!!! Bat ayaw mo?"

"Hindi ba naman parang super lugi ako diyan?", ang sabi ni Waukeen.

"AMP!!!! BOBO MAY CARD TO!!! DALAWA PA NGA!!! DI MO BA NAKITA, DOUBLE VITAL TO!! BOBO!!"

"Tsk, mga jologs talaga."

"Anong..... AMP!!! MAS JOLOGS KA!!! PBP NA LANG!!! ANO NGAYON NA!!!" sabay bunot ng kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya).

"Ahahaha!!! sige, game na" sabi naman ni Waukeen sabay bunot sa kanyang Quadruple Bloody Battle Axe.

Biglang nagulat si Pritong Kandule ng makita niya na may apat na card sa battle axe ni Waukeen. "Amp... Quadruple vital axe yata gamit niya, pang pbp. wala akong laban dito....." ang sabi niya sa sarili.

"Teka lang" ang sabi ng ating bida "siguro mas maganda kung yung ka guildmate ko na lang ang kalabanin mo dahil pareho kayong BS."

"Hahaha, sige tawagin mo. sino ba yung ka guild mo?" sagot ni Waukeen.

"NYAHAHAHAHA!!!!! baka hindi mo siya kilala dahil wala ka sa lvl namin. si KELVS!!!!!!!!!!!!"

"HA??????" ang nagulat na sabi ni Waukeen.

"Oo, at kung sa kaniya pa lang, gulat ka na, sa akin pa. NYAHAHAHAHA!!!"

Nang bigla na lang mayrong isang BS na dumating at nagayos ng kanyang mga paninda sa likod ni Pritong Kandule.

"Oi kelvs, kaguild mo daw to o"

"Sino yan?"tanong ni kelvs na nalilito.

"AMP!!!!!!!!!!! AKO SI PRITONG KANDULE ISANG AGI KNIGHT!!!"

Napabunghalit ng tawa si kelvs" AHAHAHAHAHA!!! anong klaseng pangalan yon?" at doon ay sabay na ring napatawa si Waukeen.

"PAQ U KAYO!!!!!!!! KALA MO KE GAGALING NYO!!! PBP NA LANG!! MAG SAMA PA KAYO!! AMP"

"Ahaha, sige, kung yan ang gusto mo e" ang sabi ni Kelvs na binunot naman ang kanyang Triple Ancient Bloody Axe dahil ang akala niya ay mataas ang agi ni Pritong Kandule.

*hindi niya alam 5 lang agi ni Pritong Kandule dahil nilagay nito ang kaniyang mga stat points sa Int dahil akala niya ay pwede siyang mag swordsman ***** wizard*

Nagulat na naman ang ating bida dahil apat na namang card ang nakita niya sa weapon ni kelvs. "Amp!! malamang double dexterous double vital axe gamit nito. pang pbp talaga" ang sabi ni Pirtong Kandule sa kaniyang sarili.

Sa tanang buhay ni Pritong Kandule, ito pa lang ang ika isang daan at lima na pagkakataon na nakaramdan siya ng basa sa kanyang salawal. "Teka muna, para patas ang laban tatawagin ko muna yung isa kong kaguild na BS, wala kasing match ang mga BS sa swordsman." Ang mangatal ngatal na turan ni Pritong Kandule.

"Kaguild na naman..... ahaha?" natatawang sabi ni Waukeen. "Sige tawagin mo...." ang tuloy niyang sinabi habang alumpinit ng katatawa.

"Sino ba yung kaguild mo" tanong naman ni kelvs.

"NYAHAHAHAHA MGA HUNGHANG!!!!!!!! MGA BOBO AMP!!! SI MARCO_POLO!!!"

Napahiga si Waukeen sa katatawa habang nakahawak sa tiyan at si kelvs naman ay napaluha dahil sa di mapigilang pagtawa.

Lalong nagalit si pritong kandule dahil sa reaksiyon ng dalawa. "AMP MGA POTA KAYO!!!!!!!! HINTAYIN NIYO LANG AKO AT BABALIK AKO! PAQ U!!!!!!" saba'y talilis.

Hingal na hingal na lumabas si pritong kanduli ng prontera. "Amp. kelangang makilala ko si MARCO_POLO. babalikan ko yong mga potang ina na yon. siguro papayag si MARCO POLO na tulungan ako kung bibigyan ko siya ng isang poring card."

At naglakad na si Pritong Kandule papuntang IZLUDE habang nagsisigaw ng "POTA KAYO MGA GM!!!! PAQ U..... PATI MGA BS PAQ U DEN!!!". "hmmm... ano kaya ibig sabihin ng BS....." sabi niya sa sarili..

"POTAAAAAAA POTAAAAAAAA KAYONG LAHAAAAAAATTT!!!!!" ang tuloy niyang sabi bago siya pumasok ng izlude.



Part 4
Da Pelowship op Kandule


"PAQ UUUUUUUUUUU!!!!!! PAQ U KAYONG LAHHAAAAAAAATTTTT!!!!!!!!"

"IP YU WANT TO GIB ZENY, JUST DIL MI!!!!!!!!!

"POTAAAAAA!!!! POTAAAAAA KAYOOOOOOO!!!!!!!" ang sigaw ni pritong kandule habang naglalakad papunta sa daungan ng Izlude.

Pagkapasok ni Pritong Kandule sa Izlude, may nakita siyang isang knight na may nakapatong na kartolina sa ulo at may nakasulat na AFK. "Oist! ano ibig sbaihin ng AFK?" tanung ng walang kamuwang muwang na lvl 21 na swordie. "Hoy, ano? pahingi namang zeny. o kahit item lang"

Dahil sa hindi sumasagot ang kausap niya na may nakasulat na AFK sa ibabaw ng ulo, nagalit sa Pritong Kandule. "PAQ U KA!!!!!!!!!!!" "KUNG AYAW MO WAG!!!!!!" dahil sa patuloy siyang di pinapanasin ng knight, lalong nairita si pritong kandule " ANG YABANG AMP!!"

Nagpatuloy si pritong kandule patungo sa tabi ng fruit merchant at naglabas siya ng kartolina at pentelpen.

"NID PARTI - HATING KAPATID", binasa muna ni pritong kandule ang sinulat niya bago niya ipinatong ang kartolina sa ulo niya at umupo.

Makalipas ang ilang sandali may lumapit sa kaniyang isang thief. "Bro, pwedeng sumali?" tanong ng thief sa kanya.

"Pwede pa, pero kelangan magkwalipay ka. hindi ako tumatanggap ng mas mababa sa lebel 15."

"Lvl 32 na ko at meron na kong hide, tiyak na papakinabangan mo ko."

"Hmmm..... ayos to a. at mas mataas pa sa kin ang lebel." sabi ni pritong kanduli sa kaniyang sarili. "Patingin nga ng iskils mo kung uubra ka na."

Lumakad ng tatlong hakabang paatras ang thief at bigla na lang sumigaw ng "HIDE!". pagkasigaw na pagkasigaw ng thief, bigla niyang kinuha ang isang malaking kumot sa loob ng kaniyang jacket at itinalukbong sa sarili niya.

"Amp...." ang naturan ni Pritong Kandule.

Para maipakita ng thief ang skill niya, naglakad ito dahan dahan papunta sa likod ni pritong kandule habang di mapigil ang sarili sa katatawa. "Wahihihihi" ang impit na tawa ng thief sa bay yuko sa likod ng ating bida. "O ngayon hulaan mo kung nasan na ko. Wahihihihi"

Tumaas sa ulo ang dugo ni Pritong Kandule. "AMP.." ang sabi niya sabay talikod at tadyak sa thief. "GOGOYOIN MO PA KO E NAGTALUKBONG KA LANG NG KUMOT!! PINK PA!! PAQ U KA A"sigaw ni pritong kandule sa humihimas himas sa pwet niyang thief.

Umiiyak na nagtatakbo ang thief sabay sigaw ng "ISUSUMBONG KITA SA MGA GM, IPAPABAN KITA!!!!!! HUHUHU".

"AMP!!! MAGSUBONG KAPA SA MGA POTA NA GM!!!!!!!! SABIHIN MO PANGALAN KO SA KANILA, PRITONG KANDULE, SABIHIN MO HINAHAMON KO SILA NG PBP!! AMP" sigaw ni pritong kanduli at bumalik na siya sa kaniyang pagkakaupo.

Tatlong oras na ang lumipas at naiinip na ang ating bida ng merong isang swordie ang lumapit sa kaniya. "sali ko sa yo" sabi ng archer sa kaniya.

Dahil sa inip, tinanggap na ni pritong kandule ang bagong archer "Sige, ano ba pangalan mo?"

"Hindi ka magsisisi sa pagtangap mo sa ken, ako si...... ?=AnUc+êALæ!?æô+++++++".

"AMP! anung klaseng pangalan yan? ni hindi ko mabasa? wag na, ayoko ng isali ka" galit na sinabi pritong kandule.

"Hindi, ate guy talaga pangalan ko. kaya lang ganun ang sinabi ko kasi magandang tingnan yung ganung pangalan . sali mo na ko" sabay luhod at yapos kay Pritong Kandule.

"AMBAHO PALA NG PANGALAN MO! ate guy e lalake ka, AMP! sige, tumayo ka na. sasali kita sa isang kundisyon, bigyan mo kong 10k"

"Wala akong 10k e"

"Amp... sige 1k na lang"

"Wala din e. 200 zeny lang meron ako. tangapin mo na lang to, kahit anong pagawa mo sa ken gagawin ko." ang makaawa ni ate guy.

"PAQ! sige pede na yan, deal mo ko."

Kinuha ni pritong kandule ang zeny ni ate guy na lubos na tuwang tuwa dahil sa buong buhay niya, ngayon lang siya magkakaparty.

"WOOOHOOOOOO!!!!!!! ano ba gagawin natin?" masayang tanong ni Ate Guy.

"Manghingi ka ng zeny at item sa bukana ng IZLUDE, murahin ang hindi magbibigay at tandaan mo mukha, gaganti tayo. alis na, may hinihintay pa ko"

"Yes master!! wag kang magalala, sana'y akong gawin yan." tugon ni ate guy.

"anong master??!! pritong kandule pangalan ko, at wag mo kong tatawaging master, NINONG ang itawag mo sa kin."

"sige ninong, alis na ko. hating kapatid tayo sa malilimos ko ha."

"Oo! ano palagay mo sa ken dupang? Bilisan mo." pabulyaw na sabi ng swordie at mabilis na tumalilis ang archer papunta sa gate.

Pagkaalis ng archer, may dumating na isang acolyte. tiningnan niya mula ulo hanggang paa si pritong kandule. Ng mapansin iyon ng ating bida ay humanda siya para bunutin ang kanyang sandata, ng bigla na lang nagsalita ang acolyte at sinabing"Boss pasali sa party".

"AMp! sige, at dahil akolayt ka, hindi na kita sisingilin. Ano ba pangalan mo?" tanong ng swordie.

"Tirso po boss" ang tuwang tuwa na sabi ng aco.

"NAMPOTS!!! ba't ambabaho ng pangalan niyo? ako si pritong kandule at ninong ang tawag mo sa kin, hindi boss."

"Yes ninong. ano bang gagawin natin?"

"Saka ko na papaliwanag, samantala, puntahan muna natin si ate guy, tulungan nating manghingi ng zeny" sabi ni pritong kandule sabay lakad papuntang labas ng izlude kasunod na ang aco.

"Unang lesson mo tirso, kalaban natin ang mga GM at mga di nagbibigay ng mga zeny at item. kaya habang naglalakad, isekond boys mo ang isisigaw ko.... "PAKYO KAYO MGA GM!!!! POTA!!!! POTA KAYONG LAHAAAAAT!!!!!"

At sabay nga ang mag amo (si tirso medyo delayed, second voice e) na nagsisigaw ng" PAQ KAYO MGA GM!! POTA!!! POTA KAYONG LAHHHHHAAAAAATTTTTT!!!!!!!!

habang naglalakad sila isa lang ang nasa isip ni pritong kandule "ito na ang simula.......Baphomet, DarkLord, kelvs, waukeen at GM...... ano kaya ibig sabihin ng GM......., magtutuos tayo."

"POTAAAAAA, POTAAAAA KAYOOOONG LAHAAAAAAT!!!!!!!!!"


Part 5
An Epic Battle with [Coldwind]

Kinabukasan sa NW ng siyudad ng Prontera...

Nagmamadaling dinampot ni Tirso ang pointed scale na nalaglag mula sa wormtail.

"Hoy!!!! Akin yan a!!! Sawsaw kayo" ang sigaw ng level 15 na swordie kila Pritong Kandule.

"AMP!!! BOBO KA A!!! KAMI NAMAN ANG UNANG NAKAKITA BAKIT MO INATAK? PBP!!!" ang hamon ni Tirso sa sa swordie sabay tago sa likod ni Pritong Kandule.

"NYAHAHAHA!!! ANO PBP NA LANG!!!" ang sunod na sigaw ni Pritong Kandule habang nakataas ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya). Nakahanda na din ang pana ni Ate Guy.

"Madami lang kayo ih..........." papaiayak ng sagot ng vl 15 na swordie.

Kinutusan ni Ate Guy ang swordie. "AMP!!! Oy alis na diyan, alis. Duwag ka naman pala." ang sabi pa ni Ate Guy.

"ISUSUMBONG KO KAYO SA MGA GM!!!!!!!!!!! HUHUHUHU!!!!" ang paiyak na sigaw ng level 15 na swordie habang tumatakbo.

"AMP!!! NYAHAHAHAHA!!!!! SIGE MAGSUMBONG KA PA!!!!!!!!!!!!! SABIHIN MO SA MGA GM NA YAN, AKO, SI PRITONG KANDULE, SAMPU NG AKING MGA KASAMA........"

"Ninong 2 lang kami.... " sundot ni Tirso.

"....oo nga.... DALAWA NG AKING MGA KASAMA AY HUMAHAMON SA MGA POTANG GM NA YAN!!!! POTA! POTAAAAAAA" ang sigaw ni Pritong Kandule sa mabilis na tumatakbong swordie.

"OO NGA!!!! SABIHIN MO POTA SILA! POTAAAAAAAAAA!!!!" sigaw pa ni Tirso at ni Ate Guy.

"Ahehehehe medyo mahal to, siguro lampas ng 5 zeny to. Ahehehe." ang sabi ni Ate Guy habang tinitingnan ang pointed scale na naloot nila.

Makalipas ang ilang sandali.....

"Hayun ninong, yung mabangis na aso......." bulong ni Ate Guy kay Pritong Kandule habang nagtatago sila sa mga halamanan.

"Kaya ba talaga natin yan?" pabulong ding tanong ni Tirso.

"Nyahahaha. Wag kang matakot. Di hamak na mas matitindi ang mga nakatunggali ko na kesa diyan." ang sabi ni Pritong Kandule.

"Basta tandaan niyo ang plano, ako ang unang aatake, tapos ikaw Ate Guy sa malayo ka dapat aatake, at ikaw naman Tirso, ihil mo lng ako pag sinabi ko ha." pabulong na sabi ni Pritong Kandule.

"Opo ninong" sagot ng dalawa.

Dahan dahang naglakad si Pritong Kandule habang sumisipol palapit sa wolf . Ng makalampas na siya sa wolf, dahan dahan niyang hinugot ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) habang nanginginig sa takot si Ate Guy at si Tirso na nanonood.

"HUMANDA KANG POTANG ASO KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Pritong Kandule.

Tumama kaagad ang unang tira ni Pritong Kandule sa wolf na mabilis na bumaling sa kanya at nangagat. Unang attack pa lang ng wolf ay nangalahati kaagad ang hp ng ating bida kaya't sumigaw siya ng "TIRSO HIL!!!!"

Agad na hineal ni Tirso si Ate Guy na kasalakuyang nanginginig sa takot dahil sa bangis na nakita niya sa wolf.

"AMP!!!! AKO I HIL MO BOBO!!!!" sigaw ni Pritong Kandule kay Tirso.

"Sorry po ninong!!!!" sigaw ni Tirso sabay heal kay Pritong Kandule.

"YAN!!!! OY ATE GUY ATTACK KA NA!!!!!!!!" sigaw naman ni Pritong Kandule kay Ate Guy.

Ng sandaling iyon, natauhan si Ate Guy. Isang iglap lamang, pero parang ang bagal ng mga pangyayari. Hinugot niya ang kanyang bow at nanlilisik ang matang tiningnan niya ang wolf na kasalukuyang lumalapa kay Pritong Kandule. "Hindi ko pwedeng biguin si ninong. tinanggap niya ako sa party ng walang kapalit kundi 200 zeny lang. Para sa yo to ninong." ang sabi ni tirso sa kanyang sarili.

{START SLOW MO}

"LAYUUUAAAANNNN MO SIIII NIIINOOOOOONNNNNGGGGGG!!!!" ang sigaw niya , sabay bato ng bow sa wolf.

Sabay sabay na napalingon si Pritong Kandule, si tirso at ang wolf sa ginawa ni Ate Guy. {END SLOW MOTION}

"AMP!!!! BAKIT MO BINATO?!!!!?" sigaw ni Pritong Kandule, habang ang wolf naman e tumigil muna sa pag attack kay Pritong Kandule dahil nagtataka siya sa nangyaring slow mo.

Nagkakamot ng ulong sumagot si Ate Guy "ninong 2 lang kasi arow ko. Enagamit ko na dun sa mukhang sibuyas na berde kanina"

"AMP........." napansin ni Pritong Kandule na nakakarecover na ang wolf mula sa kaniyang pagkakagulat. "TAKBO NA TAYO!!!!!!!!!" ang nagmamadaling sigaw ni Pritong Kandule sabay takbo.

Mabilis na tumatakbo ang tatlo ng may makasalubong silang isang assassin. Napansin ng assassin ang nangyayari at agad na inattack niya ang wolf na napatay niya sa isang bira lamang.

Napatigil ang tatlo at napatanga sa ginawa ng assasin. Bigla na lang nagalit si Pritong Kandule at nanggagalaiti na lumapit sa assassin at sumigaw ng "SAWSAW AMP!!!! MAHIYA KA NAMAN!!!! POTA KA A!!!!".

"/swt" ang reaksiyon ng assassin.

Itinutok ni Pritong Kandule ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) sa assassin at sabay sigaw ng "AMP!!! WAG NA WAG KANG GAGALAW!!!..... TIRSO!!!"

"Yes ninong" sagot ni Tirso.

"Damputin mo yung mga balahibo ng aso at yung kuko dali!!!" utos ni Pritong Kandule kay Tirso na mabilis namang tumalima.

"Kala mo malulut mo pa kame ha" ang sabi ni Pritong Kandule sa assassin na walang naisagot kundi "......".

Bigla na lamang lumapit si Ate Guy kay Pritong Kandule at may ibinulong.

"Huh?...... aba..... oo nga no........NYAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!" ang halakhak ni Pritong Kandule.

"AMP!!!! PAG NGA NAMAN SINUSWERTE!!!! KILALA KA NAMEN!!!! IKAW SI [Coldwind]!!!!! At ang makapapatay sa yo ay makakakuha ng clip. NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!"

"YAYAMAN NA TAYO NINONG!!!!" ang sigaw ni Tirso.

"SIGE MGA KASAMA, ATAAAAAAAAAKKKKKKKK!!!"

Muli, "..." lamang ang reaksiyon ni [Coldwind].

Sabay sabay na umatake ang tatlo kay [Coldwind]na hindi naman kumikibo ngunit halata ng naiirita na sa tatlo.

Sunud sunod na atake ang ginawa ng tatlo ngunit ni isa sa mga tira nila e hindi pa tumatama. Dahil sa mga walang kakwenta kwenta ang mga umaattack sa kaniya, gumalaw na si [Coldwind] at naglakad na lamang papunta sa norte.

"WAG KAYONG SUSUKO, TATAMAAN DIN NATIN ANG POTA NA YAN!!!!!!!!! NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!" ang sigaw ni Pritong Kandule habang patuloy silang naglalakad at umaattack kay [Coldwind].

Makalipas ang tatlong araw, sa gate papasok ng siyudad ng Alde Baran........

"N-n-ninong........ hin-hindi na ko mkahinga...." sabi ni Tirso.

"Haaak...haaaakkk.. Ako din ninong. Di ko na kaya... haaaak..haaaak." sabi ni Ate Guy.

"Hiiinggg... sige pa, konti pa..... tatama din tayo......" ang sagot ni Pritong Kandule habang sinusundot sundot na lamang niya si [Coldwind] na hanggang ngayon ay di pa rin nila tinatamaan.

Nagcollapse na sa pagod si Ate Guy at si Tirso. At pagka sundot pa ng isang beses ni pritong kandule ay napaupo na din siya sa pagod.

Sabay sabay nilang pinanood si [Coldwind] na pumasok ng clock tower na ni hindi pa rin sila pinapansin.

"POHO..hiiinnngg..TAAA KA [Coldwind], DI PA TAYO TAHAPOS......PHOTA" sigaw ni Pritong Kandule kay [Coldwind] bago siya mawalan ng ulirat.

Samantala, sa isang lihim na lugar......

"Yes PRAETOR, marami ng nagrereklamo sa kaniya. At wala siyang ginawa kundi murahin at hamunin tayo." sabi ni NEO kay PRAETOR.

"At ang babastos pa! Wala ng ginawa yung mga yon kundi mangharas ng mga kapra" patuloy pa ni PHAIGE.

"May lihim din silang lengwahe na di ko mapaliwanag. Madalas na lumalabas sa bibig ng kasama niyang acolyte ang mga katagang "==0000==D". Hanggang ngayon di pa rin namin alam kung ano ibig sabihin nito. Kung ako sa nyo PRAETOR, i ban na natin yung mga yon sa Midgard." ang sabi naman ni CALIBUR.

Humarap sa kanila ang nakatalikod na si PRAETOR. "Pritong Kandule......... ikaw na nga kaya?" ang sabi ni PRAETOR sa sarili niya.

"KUNIN SILA LAHAT AT DALHIN DITO! AT KELANGAN AY WALA SILA NI ISA MANG GALOS. GUSTO KO SILANG MAKITA NG BUHAY" ang sabi ni PRAETOR sa mga GM.

"YES PRAETOR" ang sabay sabay na sagot ng mga GM.


Enter Assassin of Doom

Dahil sa kanilang pagkabigo sa pakikipaglaban kay [Coldwind], naisip ni Pritong Kandule na wala silang nagawa dahil kulang sila sa malalakas na kagamitan at sandata. Dahil dito, naisipan ng tatlo na kailangan nila ng malaking pera para bumili ng mga tamang gamit. At syempre, dahil silang tatlo e silang tatlo, imbes na lumaban sa mga monster at mangolekta ng mga rares, naisip nilang magiging mas madali kung ito ang kanilang gagawin..........

Sa siyudad ng Geffen, malapit sa kafra, matatagpuan natin si Tirso.....

"Wa.....wa...rrrrrr.....puh..puh......warp ssssss.....a....sa GH, LLL....UUUU...LU...TUH...TUH..I...I....LUTI 1k" ang turan ni Tirso habang nagsusulat sa kartolina. Matapos siyang magsulat, ipinatong na niya ang kartolina sa ibabaw ng ulo niya at naupo.

"Yes ma'am, sir dito na po kayo, pili po kayo, warp po." ang magalang na turan na Tirso sa mga naglalakad.

"Pawarp sa GH" sabi ng isang wiz.

"Yes sir, ma'am, sige po deal niyo lang po ako." ang masayang tugon ni Tirso habang dumudukot ng flywing sa bulsa...

Sa siyudad ng payon malapit sa kafra, si Ate Guy....

Nakaluhod si Ate Guy at may nakasulat sa kartolina sa ulo niya. "PALIMOS PO NA HUCK AKO"

"Ano na hack sa yo?" tanong ng isang hunter.

"Macking hud po." sagot naman ni Ate Guy.

"Tsk, sayang, eto 1k".

Sa labas, sa timog ng siyudad ng Prontera, si Pritong Kandule....

"TANK sa NOBIS 1k" ang nakasulat sa kartolina ni Pritong Kandule.

"Oy balik mo 1k ko, di mo naman ako tinank" ang sabi ng isang novice kay Pritong Kandule.

"AMP!!! alis dyan, kutusan pa kita e. Alis! SHOOO!!!"

Samantala, sa lihim na lugar ng mga GM....

"Mahirap silang hanapin ngayon Praetor. Naghiwahiwalay na sila at wala kaming nadidinig na nagmumura sa mga GM ngayon." ang sabi ni Calibur.

"Wag kayong tumigil sa paghahanap. at tandaan ninyo, hindi niyo sila sasaktan." ang tugon ni Praetor.

Makalipas ang tatlong buwan nkaipon ng 97k ang magkakaparty. Pinaghatian nila ito at napagkasunduan na bibili sila ng kanikaniyang gamit at saka magtatagpo sa pub sa loob ng Prontera.

"Ano nabili mo?" ang tanong ni Ate Guy kay Tirso.

"Baybol sana gusto kong bilhin e, kaya lang 150k daw yun. Di ko alam na milyon milyon pala yung baybol." ang tugon ni Tirso kay Ate Guy.

"Pero nakabili pa rin ako, hindi nga lang buk."

"E ano nga nabili mo?"

"Notbuk. Sabi nung nagbenta maganda daw to. Tapos eto o may litrato pa ng babae sa harap, sikat daw to e, pangalan juday." ang nagmamalaking sagot ni Tirso.

"Basta sa ken sikret. Di niyo kaagad malalaman. Pero pag nalaman niyo, hahanga kayo. Ahehehehe" ang sabi ni Ate Guy. ng mapalingon siya, nakita niya sa Pritong Kandule, naka eggshell at shades.

"HUWWWWWAAAAAAAWWWWWWW!!!!!!!!! NINONG!!!!!!!!!!!!! ANG GALENG NG PORMA MO!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni Tirso kay Pritong Kandule.

"NYAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!! AT HINDI LANG YAN!!!!! BUMILI DEN AKONG BAGONG SORD!!!! DOUBLE VITAL FALCHION ULET!!!!!!! NYAHAHAHAHAHA!!!!!" ang tuwang tuwang sigaw ni Pritong Kandule.

"Ibig sabihin ninong, kahit mawala yung isa may reserba pa?................ANG GALENG!!!!!!!" sabi pa ni Ate Guy.

"NYAHAHAHAHA!!!! UTAK LANG!!!! AT MATUTUTUNAN NIYO LAHAT YAN MULA SA AKEN!!!!!!! NYAHAHAHAHAHA"ang sagot muli ni pritong kandule.

Paglabas nila ng pub, mayrong isang assassin na humarang sa kanila.

"Pritong Kandule................. ito na ang katapusan mo" ang sabi ng assassin.

"AMP!!!!! SINO NAGPADALA SA YO? SI KELVS? SI WAUKEEN? SI BAPHO? O GM?" ang sabi ni pritong kandule sabay bunot ng kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya). pumwesto na din si tirso as likod ni pritong kandule at si ate guy sa may di kalayauan.

"Hindi mo ko natatandaan.... hindi mo ko isinali sa party. sinipa mo pa ako. Nandito ako para maghiganti." ang nanlilisik ang matang sabi ng assassin.

"NYAHAHAHAHAHA!!!!!!!! ........ teka lang hindi kita natatandaan yata." ang nagtatakang sabi ni pritong kandule. "at kung inaakala mo na matatalo mo ko, nagkakamali ka. ang patuloy pa ni pritong kandule. lumapit siya sa mukha ng assassin at sinabing "at akala mo ba madadamage mo ko? di mo ba nakikita suot ko? EGGSHELL YAN!!!!!!!!!!!! BOBO!!NYAHAHAHAHA"

"at baka di mo napapansin, tat....... oo nga, tatlo kame, isa ka lang " ang sabi ni ate guy habang nakatago ang isang kamay niya sa loob ng kaniyang bag.

"Hanggang sa huli ay malupit ka pa rin pritong kandule. ako ang thief na hindi mo isinali, at sinipa pa! at akala niyo ba ay pupunta ko ditong magisa?" ang sabi ng assassin.

umatras ang assassin ng dalawang hakbang at tumalikod. sa sandaling iyon, mayrong isang mage at isang merchant ang tumabi sa assassin sa magkabilang tabi.

Bigla na lang humarap ang assassin na nakataas ang kanang kamao at ang isa ay nasa baywang. "AKO SI................JESTONI!!!!!!! THE ASSASSIN OF DOOM!!!!!!!!" sigaw ni jestoni.

pagkasigaw ni jestoni humarap din ang wizard na kagaya ng pose ni jestoni. "AKO NAMAN SI...... FRED!!!!!!!! THE DEADLY MAGICIAN!!!!!!"

sumunod naman ang merchant"AT AKO NAMAN SI LOTLOT!!!!!!!!!! THE MERCHANT FROM HELL!!!!!!!!!!"

"WE ARE THE...... THE ANGELS OF WRATH!!!!!!!!!!!!!"


Part 7
Ate Guy Unleashed!

"AMP!!!" ang nasabi ni pritong kandule sabay bayo sa ulo ni Jestoni.

"ARAY!!!" ang sabi ni jeston habang hinihimas niya ang bumbunan niyai.

"POTA!!!! MARAMI PA KAYONG SINASABE!!! PBP!!!!!!!!!" ang sagot ni pritong kandule.

At nag simula na ang laban.

Hinugot kaagad ni Jestoni ang kaniyang LUCKY SHREWD VITAL DROWSY CUTTER at ang kanyan KNIFE at umatake kaagad siya kay pritong kandule. ang bawat ulos niya ay di tumatama kay pritong kandule dahil iniwanan niya ang kaniyang dex sa 1 dahil isa daw siyang VIT/INT assassin with maximized HIDE.

Bawat galaw ni Jestoni ay matamang minamasdan ni pritong kandule dahil ang alam niya ang gamit ni Jestoni ay DOUBLE DEXTEROUS DOUBLE VITAL KATAR, "pota!! pang pbp gamit niya" ang sabi ni pritong kandule sa kaniyang sarili. Bagamat panay ang ilag niya, di niya hinahayaang masira ang konsentrasyon niya sa pag atake. alam niya niya na nasasaktan niya si Jestoni dahil tuwing tumatama siya ay nababawasan ng 10 ang hp ni Jestoni.

Samantala......

"FAAAAYAAAAHHHHHHHH WWAAAAALLLLLLLL!!!!!!!!!" ang sigaw ni Fred sabay kumpas ng kamay kay ate guy. nagulat na lang si ate guy ng bigla na lang may lumabas na apoy sa harap niya at di siya makalapit upang makaposisyon sa pag gamit ng bow.

napahiyaw sa sakit si ate guy dahil umusbong ang apoy malapit sa kaniyang tuytoy.

Nakita ni Tirso ang nangyayari kay ate guy, at di niya maipaliwanag kung bakit pero tumakbo kaagad siya para tulungan ulit ito (see part 5 when tirso healed ate guy instead of ninong).

pumorma ulit si Fred para sa isa pang spell at sumigaw ng "SOOOWUUUULLLL STR-------"

ISPLAK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang malakas na tunog ng sumigaw si Tirso ng "LEEEEXXXX DIVINAAA!!!" sabay tampal ng ubod lakas, gamit ang Notbuk na may litrato ni Juday, sa bunganga ni Fred.

dahil doon, nawalan agad ng silbi si Fred dahil di niya mabigkas ang mga kataga ng kaniyang magic sapagkat natanggalan siya ng apat na ngipin at maga ang kaniyang mga gilagid sa lakas ng hampas ni tirso.

Nakita ito ni Jestoni, na patuloy na tinatamaan ng DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) ni pritong kandule, ang nangyayari at sumigaw kay Lotlot ng "LOTLOT!!!!!!!!!!!!! I-MAMMO MO SILAAA NGAYON NAA!!!"

"YES MASTER!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni Lotlot sabay hugot ng kaniyang kartolina at pentel pen at nagsulat ng "S> RED BLOOD 20K RUSH!!!" sabay upo at lagay nito sa kaniyang ulo.

"NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!! BOBO AMP!!!!!!!" ang sigaw ni pritong kandule habang patuloy ang pag attack niya kay Jestoni.

"LOTLOT ANO YAN!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni Jestoni.

"Master wala pa kong zeny e, hintayin niyo lang!!! OY BILIN NYO NA TO PLEASE!!!!!!!!!" Ang sigaw ni lotlot.

Mabilis ang mga pangyayari at nang mawala na ang apoy sa harap niya, lumapit na si ate guy. namumula sa galit ito dahil sa sakit na naramdaman niya ng i-firewall siya ni Fred. Kinuha niya ang kanyang bow at madaming arrows.

Una niyang nakit si Fred na kasalukuyang di pa rin makapagsalita at ito ang kaniyang tinira ng tinira. "FREEEEEEEDDDD PAQ U KAAAAA!!!!!! POTTTTTTTTAAAAAAAA KAAAAAAAAAA!!!!! " ilang arrows lang ang naubos niya at namatay agad si Fred.

Tumuon ang tingin niya kay pritong kandule at nakita niya na di kailangan nito ang tulong. Nakita niya si lotlot at agad niya itong pinaulanan ng arrows.

"HOY TEKA MUNA!!! TAYMPERS MUNA KO!!!" ang sigaw ni lotlot. hindi ito nadinig ni ate guy na patuloy pa rin sa pag attack.

Samantala......

"NYAHAHAHA!!!! WALA PALA KAYONG KWENTA!!!!! MGA AMP!!!! POTA KAYO!!! HETO SA YO!!!!!!!!! PAQ U KA!!!!!!!!!!! OO!! PAQ U KA!!!" ang patuloy na sigaw ni pritong kandule habang taga siya ng taga kay Jestoni.

Ngunit di inaasahan, natamaan ni Jestoni si pritong kandule ng LUCKY SHREWD VITAL DROWSY CUTTER sa balikat. natigilan si pritong kandule at bigla na lang may nadinig siya.

{START SONG sa tono ng Rock a by baby with nagbabading badingang Joey de Leon's voice}

"tulog na ninong, tulog ka na. tulog na ninong tulog ka naaaa........."

inantok bigla si pritong kandule at di na lang niya namalayan na kinuha niya sa kaniyang bag ang kaniyang unan at kumot at dahan dahang humiga.

ng makahiga na si pritong kandule, kinuha niya sa bag ang isang sikreto na ipinagkakatago niya. kinuha niya si Faffy, ang kanyang manikang puppet, nilagay niya ito sa tabi niya at kinumutan din. matapos iyon, siya ay nakatulog na ng tuluyan.

{END SONG}

"HAHAHAHAHA!!!!!!!!! ITO NA ANG KATAPUSAN MO PRITONG KANDULE!!!!!" sigaw ni Jestoni sabay attack kay pritong kandule na ngayon ay hindi na makailag at hindi pa rin nagigising.

habang inaatack ni Jestoni si ninong ay hineheal naman ito ni tirso ngunit sadyang mabilis ang mga attack ni Jestoni.

"AMP!!!!!!!!ATE GUY!!!!!!!!!! SI NINONG!!!!!!!!!!" sigaw ni tirso.

nakita ni ate guy ang nangyayari at doon nagalimpuyo ang dibdib niya. sa isang iglap, ay madaming pumasok sa isip ni ate guy..... si pritong kandule, ang taong 200 zeny lang ang siningil sa kaniya ng isali siya sa party. ang taong nagbigay sa kanila ni tirso ng tig 20k nang kumita sila ng 97k. iben sheyr talaga. ay kasalukuyang duguan at walang kalaban labang pinapaslang ng assassin na si jestoni. hindi na niya hahayaang mabigo sa kaniya si pritong kandule.

{START SLOW MOTION}

pagkabitaw niya ng huling arrow para kay Lotlot, humarap agad siya kay Jestoni.

"POOTAAA KAAA JESTONIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!! ETO ANG PARA SA YOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni ate guy at may binato siya ng pagkataas taas sa langit, ang kanyang sikret. di ito makita ni Jestoni dahil nasisilaw siya sa araw.

napanganga naman si Tirso at napabulong ng "Ate Guy"

ng makarating sa rurok ang ibinato ni ate guy, sumigaw ito ng ...

"BLIIIIIIIIIIIIIIIITTZZZZZZZZZ................ BEEEEEEEEEEAAAAAAAAAT!!!!!!!!" at ang bagay na binato ni ate guy ay bumagsak sa harapan ni Jestoni..... isang picky (with eggshell).

tumakbo bigla ang picky papunta kay Jestoni at pinagtutuka siya nito.

{END SLOW MO}

isa, dalawa, tatlo....... di mabilang ni Jestoni kung ilang beses siyang nadamage ng 1 ng picky. at kasabay ng blitz beat ay pinapana din siya ni ate guy.

"aaaarrggghhh........ hi-hind......." natumba na din si jestoni at namatay.

hindi pa man nakakakilos si ate guy at si tirso ay biglang may lumabas na mga GM sa harap nilang tatlo.

"Sasama kayo sa min." Ang sabi ni Calibur kay ate guy at tirso. may dumampot din kay pritong kandule na kasalukuyang tulog pa rin at yakap yakap si Faffy, ang kanyang manikang puppet.

Samantala...

"Kumpirmado na Praetor. ilang buwan ng walang nakakakita kila Neverwinter, Siccoro at Nethermir. gayun din sa ilang malalakas na mga guild kagaya ng Saints, Untouchables, Steel wolves at Apocalypse." angsabi ni Phaige

"Nagaganap na nga ayon sa nakasulat" ang sabi ni Praetor at siya ay napapikit.

Bigla na lang nagteleport sa harap nila Praetor si Calibur kasama si tirso, ate guy at ang nagkakamalay ng sila Pritong Kandule.

"Heto na sila Praetor" ang sabi ni praetor.

"POTAA!!! POTA TALAGA MGA GM!!!!!!!!!" ang sigaw ni Tirso.

"PAQ U KAYO MGA GM!!! PAQ U!!!!" ang sigaw naman ni ate guy.

unti unting nagkamalay si pritong kandule at napansin kaagad niya na nakatingin lahat sa kaniyang manika ang mga tao sa paligid. bigla siyang sinabing "KANINO TO? sino ang naglagay nito sa ken?" sabay tingin niya kay ate guy at tirso na nakayuko. "Itatago ko muna to hangga't di ko alam ang may ari nito!" ang sabi ni Pritong Kandule habang inilalagay si Faffy sa bag.

nagulat na lang siya ng namalayan niya ang mga nakapaligid sa kaniya.

"AMP!!!!!!!!! POTA KAYO!!! SINASABI KO NA NGA BA AT KAYO ANG NASA LIKOD NG MGA KAAWAY KO!!!!!" hinugot niya ang kaniyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) at biglang naghamon ng "MGA POTA KAYO PBP!!!!!!!!!!!!! ANO? PAQ!!!!!!!!!!"

habang nagsisigaw si pritong kandule at pinagmamasdan siya ni Praetor na lihim na napangiti sa kabila ng lungkot o takot na mababanaag sa kaniyang mga mata. "siya na nga. si pritong kandule......" ang sabi ni Prateor sa kaniyang sarili.

"Hindi na natin kailangang maglaban Pritong Kandule. Calibur, ibalik mo na sila sa Prontera."

"Huh? Pero....... yes Praetor!" ang sagot ni Calibur.

"At bago mo sila iwanan sa Prontera, gusto kong bigyan mo sila ng malalakas na armas."

Napanganga si Calibur at ang mga GM na nasa paligid, gayun na din sila pritong kandule.

natauhan si Pritong Kandule at biglang taas ang noong "AMP!!!! NYAHAHAHAHAHA!!!!! SINASABI KO NA!!!! MGA DUWAG ANG MGA BOBONG GM!!!!!!!!! NYAHAHAHAHA!!!!!!!! TAKOT KAYO SA TALIM NG SANDATA NI PRITONG KANDULE!!! NYAHAHAHAHAHA" ang nakapamaewang pang sabi ni Pritong Kandule habang nagmumumura din si ate guy at tirso sabay tumatawa.

bubunutin na sana ng mga GM ang kanikanilang mga Balmung ng kumumpas lang ng kapiraso ang kamay ni Praetor at ibinalik na ng mga ito ang kanikanilang sandata.

"Sige na Calibur" ang sabi ni praetor.

"masusunod praetor" ang sabi ni calibur sabay teleport sa sarili at kila pritong kandule.

"Neo, tawagin ang lahat ng GM. hawak na ni Baphomet ang GRAVITY SIMULATOR" ang tiim bagang na sabi ni praetor.

Napatulala lahat ng mga GM na nandoon. Mababanaag sa kanilang mga mata ang takot.

"Phaige, sabihin mo kay Calibur, bantayan sila pritong kandule ng palihim. at siguraduhing walang makakasakit man lang sa kanila." ang sabi ni PRAETOR............ NI PRAETOR KANDULE.....


Part 8
Ragnarok Beckon

"AMP!! Bitawan mo nga ako.... " ang sabi ni pritong kandule kay Calibur.

binitawan ni Calibur sila Pritong Kandule na nakatiim ang mga bagang. hindi niya maiintindihan kung bakit pinawalan pa ni Praetor ang mga ito.

"O? AMP!! ano pa hinhintay mo? sabi nung pinunong GM bigyan mo kami ng mga gamit a? dali!!!" ang sabi ni pritong kandule kay Calibur.

"POTA!! Baka gusto mong makatikim pa? HA?!!" ang sundot ni tirso.

bigla na lang may mga nalaglag na mga gamit sa harap nila pritong kandule at nawala na si Calibur.

"AMP!!! BASTOS YUN A!!! WALANG GMRC!!!" ang sabi ni ate guy sabay tingin sa mga nalaglag sa baba.

"uy may mga nalag......................................"ang naputol na sabi ni pritong kandule. ang lahat sa paligid ay tumigil din na para bang estatwa. ngunit ang pangyayaring yon ay sandali lamang para mapansin ng mga nasa prontera.

".....lag. PAQ!!! ano to?" tanong ni pritong kandule sa dinampot niyang sword na isa sa mga nilaglag ni Calibur. binasa niya ang nakaukit sa harapan at nakita niya ang nakaukit sa puluhan. "Balmung....... AMP!!! ANO TO? WALA MAN LANG ISLAT!!! POTA!! PAQ TALAGA MGA GM!! PAQ!!"

dinampot naman ni ate guy ang bow na iniwanan ni Calibur at binasa "R-r-rrrrrr--rrr.....U.... RU..D RRRR...... POTA! ANO TO? BOW NA WALA DING ISLAT!!!!!!" ang galit na galit na sabi ni ate guy.

"ELEMENTAL BO-OKS VO-LU-ME 1 to 4? AMP!!!! ANO BA NAMAN TO? WALA MAN LANG PIKTYUR SA HARAPAN?" ang galit na sabi ni tirso "POTANG MGA GM YAN O."

bigla na lang napataas ang kanang kilay ni Pritong Kandule at napangisi ng ngising demonyo."Nyahahahaha!! manggogoyo tayo........."

at naglakad na nga ang tatlo.

"POTAAAAAAAAAAAAA!! POTA KAYONG LAHAAAAAAATTTTT!!!!!"

"ANG MGA POTAANG GM, DUWAAAAAGGGGGGG!!!!!!!!! NYAHAHAHAHA!!!!!!!!""

makalipas ang isang oras sa BS PIONT nagkakagulo ang lahat ng mga mayayaman sa midgard. nagsisiksikan lahat sila at nagtutulakan para lang makalapit sa nasa gitna ng BS PIONT.

sa gitna ng BS PIONT nakaupo si ate guy at nakalagay sa kanyang ulo ang pinasulat niya kay Pritong Kandule na "S/T: RUDRA'S BOW"

"trade ko ng MG + 20M" ang sabi ng isang hunter kay ate guy.

"anong pinagsasabi mo? at anong 20M? baka 20K? BOBO AMP!!" ang galit na sagot ni ate guy.

"hindi.... o siya 25M na plus yung mga sinabi ko. " ang huling tawad pa nung hunter.

"HINDE!!! AYOKO!!! ALES DYAN!! BOBO AMP!!!!" ang galit na sabi ate guy. "amp... ni hindi man lang nagdagdag ng pera kahit 1k.... bobo!! PAQ!!" ang sabi ni ate guy sa sarili.

bigla na lang nahawi ang mga tao ng may isang matandang ermitanyo ang naglakad papunta kay ate guy. patuloy pa rin ang kanya kanyang sigaw ng mga tao. umaasa silang madidinig ni ate guy ang kanikanilang mga offers.

ng lumapit ang matandang ermitanyo kay ate guy, napansin niya na ito pala ay isang matandang archer.

"Hmmmmmmm...... Rudra's Bow..................may offer ako sa yo.... " sabi ng matandang archer kay ate guy.

"sige patingin"

"ahahaha, ito'y matagal ko ng pinagkakatago tago. tingnan mo.... ang aking QUADRUPLE MALICIOUS BOW"

tiningnan ito ni ate guy at napanganga siya sa kaniyang natunghayan. "AMP....."

"ahahaha, ang nakikita mong nakaguhit sa taas ay si Maui, sunod naman ay si Katya. yung sa baba e si Aubrey at si Francine. at wala pa kahit isang nailalagay sa kanyang apat na slots. bukod pa diyan, magdadagdag ako ng 10K. ahahahaha."

"NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!! sige deal mo ko. matutuwa si ninong nito pag pinakita ko to sa kaniya. /gg" ang naglalaway pang sabi ni ate guy.

samantala...

"TIRSO!!!!!!!!!!! ang paborito kong suki." ang sabi ni Strato, ang nagbenta kay tirso ng Notbuk na may litrato ni Juday.

"May bago ka ba diyan? medyo nalukot ang kober nitong Notbuk ko nung mapalaban kami nila ninong e." ang tanong ni Tirso.

"aba madami, meron ako ngayong mga bagong dating at mga classics pa. meron akong Romnick, Billy Joe, Sheryl, Mane at meron pang magkasama sila ni Janno..... pili ka lang"

"Uy, parang gusto ko sana yung kay Mane, kaya lang wala na kong zeny e. Kung papayag ka, trade na lang dito sa mga buks ko. /gg" ang sabi ni tirso sabay pakita ng elemental books niya. napapangisi siya dahil alam niyang makakagoyo siya.

napa islash gee gee ang mukha ni strato at may hinugot siya sa ilalim ng mga bible na ibinebenta niya.

"tsk.... sige itetrade ko yan. pero dahil kilala na kita at di ka na iba, eto bibigay ko sa yo. Songhits!! maganda yang issue na yan dahil exclusive na mga kanta ni Jolina naandiyan. At tingnan mo, maganda pa pose niya sa cover."

Nagliwanag agad ang mata ni Tirso ng makita niya ang iniaalok ni strato. "wahihihi ayos!!! nadispatsa ko kaagad. hirap talaga ng mga tanga. wahihihihih" ang pabulong na sabi ni tirso sa kaniyang sarili.

"Sige, deal mo ko......."

makalipas pa ulit ang isang oras as loob ng prontera pub...

"....malaki... sabihin mo sa komodo kapra ha. kamo, si pritong kandule nagpapasabi." ang sabi ni pritong kandule sa kafra.

"BASTOS!!!!! HMP!!!" ang sabi ng kafra sabay sampal kay ninong. tumalikod ang kafra sobrang bwiset kay pritong kandule.

"AMP!!!!!!!!! PAQ!!!!! PBP NA LANG TAYO!!" ang pagalit na sigaw ni pritong kandule sa walang pakialam na kafra.

sa sandaling iyon pumasok sa loob ng pub si ate guy na may hila hilang sako at si tirso na hawak ang kanyang bagong songhits at umaawit.

"Paper roses, Paper roses

But they're only imitation
Like your imitation love for me"


"Ninong!!!! eto na kami" ang sigaw ni ate guy habang patuloy pa rin sa pagawit si tirso. "Nyaahhhaaaahhaa!!! mabuti naman. may nagoyo ba kayo sa ispadang walang islat?" ang tanong ni pritong kandule.

"Meron po ninong! at matutuwa kayo sa ipinalit samin" ang pagmamalaking sabi ni ate guy.

binuksan ni ate guy ang sako at nagliwanag ang mga mata ni pritong kandule, limang double vital falchion. "NYAHAHAHA!!!! ang daming double vital falchion!" ang natutuwang sabi ni pritong kandule. "madami yan ninong kaya lang nahihirapan akong bilangin eh" ang sabi ni ate guy.

"Ndi bale! basta higit sa dalawa eh marami na yun, HAHAHA!!!! beri gud mga bata!!!!" ang tuwang tuwang sabi ni pritong kandule. "ang dami ko ng sord, meron na kong isa para sa bawat araw. Hmm..... kung magpalit din kaya ako ng brip bawat araw..." ang sabi ni Pritong Kandule sa sarili niya.

"POTAAAAAA!!! PAQ U MGA GM!!!!!!! AT KAYO DING LAHAT!!! PAQ UUUUUUU!!! PAQ U KAYONG LAHAAAAATTTTTTT!!!" ang sigaw nila habang naglalakad sila sa prontera habang patuloy pa rin si tirso sa pagkanta ng paper roses. "Paper roses paper roses..."

at bigla na lang lumitaw sa kanilang harapanan ang isang duguan at hinang hinang si Praetor Kandule. "AMP! ano kailangan mo? PBP? mga duwag naman kayo!! NYAHAHAHAHAH!!!!" ang mayabang na sigaw ni pritong kandule.

"Wala nang masyadong oras kaya makinig kayong tatlo" ang sabi ni Praetor. sasabat pa sana si tirso ngunit tinignan sya ni Praetor at napatago sya sa likod ni ate guy. "Nasa matinding panganib ang buong midgard, nasa kamay na ni baphomet ang gravity simulator. kung hindi ito mababawi ay matatapos na ang buong midgard" ang sabi ni praetor.

"AMP!!! anong pinagsasasabi mo? hinugot ni pritong kandule ang kanyang double vital falchion (kasi agi knight daw sya) at susugurin na niya si praetor kandule ng biglang tumigil ng bahagya ang lahat ng bagay at tao sa buong midgard.

"huh? ano yun? anong nangyari?" ang tanong nila pritong kandule.

"lag ang tawag doon. Epekto yon ng ginawa ni baphomet" ang sabi agad ni praetor.

"makinig kayo ng mabuti, kayong tatlo na lang ang pag-asa ng buong midgard sa inyo naatasan ang pagbawi sa gravity simulator. at ikaw " ang sabi niya kay pritong kandule "alam kong kahit ganyan ka eh maaasahan kita, alam kong hindi mo ako bibiguin......kuya"

natigagal sina ate guy at tirso sa nadining.

"anong kuya PAQ! bakit mo ako tinawag na kuya bakit kapatid ba kita?" ang galit na sabi ni pritong kandule.

"KUYA PRITI...." ang nanghihinang sabi ni praetor. "ikaw ang aking kuya prithmmmpppffff" biglang takip ni pritong kandule sa bibig ni praetor kandule.

"ssshhhhhh wag mong ilakas" habang iniisip ni pritong kandule ang kanyang matagl nang nawawalang kapatid na nagiisang tumatawag sa kanya ng ganun. Iba ang ang kaniyang itsura ngayon, pero walang ibang nakakaalam ng palayaw niya "Praetor....." ang bulong ni pritong kandule habang nakatingin at takip takip pa rin ang bibig ni praetor kandule.

tinanggal ni praetor ang kamay ni pritong kandule " wala na tayong masyadong oras, kaya pinabigyan ko kayo ng mga gamit kay calibur ay dahil kakailanganin nyo ito sa napipintong labanan. malaki ang maitutulong sa inyo nito."

"ah iyun ba? Nyahaha… wala na yung mga yun kasi walang kwenta mga binigay samin pinalit namin sa mas matitinding gamit tingnan mo o" ang sabi ni ate guy sabay labas sa kanyang quadruple malicious bow na may piktyur nila katya, maui, francine at aubrey.

ipinakita naman ni tirso ang kanyang songhits na ang cover ay si jolina habang kinakanta ang paper roses.

at binuksan ni pritong kandule ang sako na punong puno ng double vital falchion.

lahat sila ay nakangiti kay praetor kandule "o dba mas maganda?" ang sabay sabay na sabi ng tatlo.

"hhhiinnhnnnhh" biglang napahawak si praetor sa kanyang dibdib at unti unting napaluhod dahil sa paninikip ng dibdib at atake sa puso.

"huh? oi anong nangyayari sayo?" ang walang kamalay malay na tanong ni pritong kandule. at bigla na lang naglaho si praetor kandule dahil sa sobrang panghihina.

biglang lumitaw si paige sa kanilang harap. "nasan si praetor?" ang tanong ni gm paige.

"huh? ewan nga namin eh bigla na lang nawala pinakita lang namin tong mga gamit namin eh" sabay pinakita kay gm paige ang kanilang mga sandata.

"hhhhhhhhuuuuuuu....." at biglang hinimatay si gm paige sa kanyang kinatatayuan.

"si Baphomet....." ang nanginginig na sabi ni pritong kandule. "si baphomet ang may kagagawan ng lahat ng ito.. BAPHOMET!!!!!!!!!!! POTA KA!!! PAQ!!!! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO SA KAPATID KO AT SA KAPRANG PUTI ANG SUOT!!!! PAQ KA!!!!!" ang sigaw ni pritong kandule.

lumitaw bigla sa kanilang tabi ang isa pang gm. "wala na, wala na silang lahat….. nasan, si Phaige, si Calibur…… patay na silang lahat....." ang sambit ni Neo kina pritong kandule bago soya malagutan ng hininga.


Part 9
Revolution

"Unnnggghhh....."

"Hayan na nagkakamalay ang kaprang pute" ang sabi ni ate guy habang nakapaligid sila sa kaniya.

"Aba'y teka muna... di ko pa nai-ma mawt to mawt" ang singit ni pritong kandule.

"Sige ninong pag di mo kaya, ako sunod ha" ang sundot pa ni ate guy.

Tinabig ni Calibur ang tatlo at inalalayan niya si Phage para makaupo "Anong nangyari? nakita ko si Praetor pero bigla siyang nawala."

"Wala na ang mga kasama nating GM. napatay na lahat sila ni Bapho...."

"NYAHAHAHAHA!!!! Mga loser talaga mga GM. Si Bapho lang AMP....NYAHAHAHA!!!!PAQ!!" ang nangaasar na sabi ni Pritong Kandule kay Ate Guy na hindi rin napigil ang pagtawa.

Tiningnan sila ng masama ni Calibur.

"Pano nangyari yun? E di mag respawn lang sila sa GM HQ." ang naguguluhan pa ring tanong ni Calibur.

"Hawak niya ang Gravity Simulator, Calibur."

"Pano.........." ng mga sandaling iyon, umikot ang paningin ni Calibur. Hindi na siya nakakibo. Si Phage ay napahagulgol na din.

Binasag ang katahimikan ng biglang umawit si tirso na kanina pa nananahimik sa isang tabi.

"Paper Roses
Paper Roses
Oh how much dis
roses mean to me..."

"TUMAHIMIK KA!!!" ang sigaw ni Calibur kay tirso.

"Di niyo ba naiintindihan? ang sino mang may hawak sa Gravity Simulator ay siyang pinakamalakas sa buong Midgard. Inalis na niya ang kakayahan ng bawat isa sa atin na mag respawn. Pag namatay ka ngayon, di ka na makababalik. Kaya din niyang pigilin ang ikot ng Midgard, kagaya ng mga nararamdaman niyo minsan na parang tumitigil ang oras." Ang paliwanag ni Phage sa tatlo.

"NYAHAHAHA!!! AMP!! Yun lang ba problema? Grabiti Simyu..... yun lang? Wag kayong magalala, kami na ang kukuha." Ang mayabang pang sagot ni Pritong Kandule.

Bilang pag suporta kay ninong ay inilabas ni ate guy ang kanyang QUADRUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katya, Aubrey at Francine), at inilabas naman ni Tirso ang kanyang SONGHITS (na may piktyur ni Jolina sa harapan)

"Hindi niyo sila kaya lahat. Katulong ngayon ni Baphomet ang lahat ng mga panganay niyang anak sa lahat ng kaniyang naging asawa. Bukod pa yun sa lahat ng monsters sa midgard." Ang sabi pa ni Phage.

"Kung gayon, kakailanganin natin ang lahat ng malalakas na guild......" Ang sabi ni Calibur habang nagiisip pa rin ng paraan.

"Wala na din sila Calibur. Napatay na din sila lahat......."

Nagliwanag bigla ang mukha ni Pritong Kandule. "Ahmm..... si kelvs kaya at si waukeen, napatay na den?" ang kunwaring painosente niyang tanong.

"Wala na din sila....." Ang sagot ni Phage.

"AMP!! NYAHA......... tsk tsk...." Ang kunwaring pailing iling na sagot ni Pritong Kandule.

"Kung ganun.... ano pa ang magagawa natin?" ang tanong ni Calibur kay Phage.

"May pag asa pa Calibur. Siguro kung magsasama sama ng lakas ang lahat ng nasa Midgard at.. at... sabi ni Praetor, magtiwala daw tayo .... dito sa tatlo na to."

Napatingala ang tatlo at napatingin kay Phage.

"AYAW KO!!!!" ang sabi ni pritong kandule.

"Hindi pwede. tatlo lang ang pwedeng makahawak sa Gravity Simulator. Si Praetor, si Bapho.... at ang kadugo ni Praetor... ikaw..."

Nagliwanag ulit ang mukha ni Pritong Kandule "Hmm..... teka lang. Tirso, Ate Guy, miting muna tayo."

Lumayo muna ang tatlo at nag huddle sa isang sulok.

"Kadugo ni Praetor si Pritong Kandule?" ang pabulong na tanong ni Calibur.

"Oo. Praetor Kandule pala ang totoong pangalan ni Praetor. at kuya niya si Pritong Kandule." ang sagot ni Phage.

"Inang ku po naman...." Ang dismayadong sagot ni Calibur.

Bumalik ang tatlo at nagsalita ni Pritong Kandule.

"Papayag lang kami sa tatlong kundisyon."

"Ano yun?" ang tanong ni Phage.

"Una, babayaran niyo kami ng 10k....." ang sabi ni Tirso.

Napasimangot si Phage.

"Pero may tawad pa yun..." ang habol ni Pritong Kandule. Nagaalala siya dahil baka hindi pumayag si Phage. "At ang ikalawa, Phage, deyt tayo, at gastos mo lahat."

"HAH?!!" ang napangangang reaksiyon ni Phage.

"Sige, sige. ano pa ang ikatlo?" ang naiiritang tanong ni Calibur.

"Sa miting na mangyayari, kelangan, may opening namber dapat ako." ang sagot ni tirso.

"Anong opening number ang sinasabi mo? meeting iyon para mag organisa tayo ng pagkilos laban kay Baphomet."

"Oo nga. Basta yun lahat ang kundisyon. kung ayaw niyo wag!" ang patalikod na sabi ni pritong kandule at pakunwaring paalis na.

"Sige na, sige na.... Matapos na lang...." ang sabi ni Phage.

Makalipas ang dalawang araw, sa gitna ng Prontera....

"Nandito kayong lahat ngayon upang pag usapan natin ang isang problema na makakaapekto sa lahat ng nasa Midgard...." ang pasimula ni Phage.

"TEKA MUNA GM, MAY IREREPORT AKONG SCUM!!" ang sigaw ng tatlong archer.

"Huwag muna yan ang...."

"HINDE PWEDE, MAY NANG ISCUM SA WARP SA MEN SA GEFFEN, ISANG ACO!!!" ang sigaw pa ng tatlong archer.

"AKO DEN, ITATANK DAW AKO TAPOS KINICK AKO SA PARTY!!!" ang sigaw pa ng isang novice.

"SA KEN DEN MERON!!! IBALIK NIYO 1K KO" ang sigaw pa ng marami rami din novice.

"TEKA NGA MUNA!!! LAHAT DAPAT YAN SA CUSTOMER CARE DADAAN!!!" ang galit na sigaw ni Phage.

"ANO BANAMANG SERBISYO YAN?" ang sabay sabay na sigaw ng mga pulutong ng nagrereklamo.

"TIRSO!!! Kumanta ka na nga muna." Ang galit na sabi ni Phage habang pababa siya ng stage.

Umakyat si ate guy sa stage at tumapat sa mike.

"LEDIS N DYENTELMEN!!!! IHINAHANDOG NAMIN SA INYO!!! ISANG SIKAT NA MANGAAWIT!! ANG PAMBATO NG MYOLNIR PILD 10. SI TIRSO, SA KANYANG BERSYON NG PAPER ROSES!!!"

Napatingin ang lahat at sabay sabay nagpalakpakan. Ang iba ay naghihiyawan pa.

Bigla na lang nag dilim ang buong stage. May umilaw na spot light sa gitna, at nandoon na kaagad si Tirso, nakatalikod. pagharap niya ay tsaka niya binanatan ng....

"Paper roses
Paper roses
Oh how real those roses seem to be
But they're only imitation
Like your imitation love for me"

Nagpapalakpakan ang lahat at nagsisigawan ng bigla na lang may sumigaw.

"TEKA!!!" napatingin ang lahat sa tatlong archer.

"YAN YUNG NANG I-SCUM SA MEN!!!!"

"OO NGA, YAN YUNG ACO SA GEFFEN NA MARAME NG NALOKO!!!" ang sigaw pa ng karamihan.

Napatigil sa pagkanta si Tirso. Pumanhik si ninong sa stage upang ipagtanggol si tirso ng bigla na lang may sumigaw ng...

"AYUN!!! YAN YUNG NANG KICK SA KEN SA PARTY!!! BALIK MO 1K KO HAYUP!!!"

napatigil si Pritong Kandule at napatingin sa pulutong ng libo libong tao sa midgard.

"OO NGA, YAN DIN YUNG NANG ISCUM SA KEN!!!!"

"MGA MANLOLOKO, PATAYIN NA NATIN YAN PARA DI NA MAGRESPAWN!!!!!"

madami pa ang sabay sabay na nagsisigaw ng reklamo nila at galit na galit kay tirso at kay pritong kandule.

lumapit si ate guy kay tirso at kay pritong kandule. "Ninong, tirso, heto playwing.....".

Napangisi si Pritong Kandule at saka napatawa "NYAHAHAHAHA!!!! MGA POTA KAYO!!!! TIRSO, ATE GUY, NGAYON NA!!!"

Sabay sabay na ginamit ng tatlo ang flywing. Ng mateleport na sila...

"Wahihihi mga bobo amp...." ang sabi ni Tirso.

"Halika na inuman na lang tayo dun sa Pub."Ang sabi ni Pritong Kandule. Sabay sabay silang tumalikod para maglakad at bigla na lang silang nagulat.

Nakita nila ang lahat ng audience ay nakatingin sa kanila, nasa stage pa rin pala sila at kapraso lang ang naiteleport nila mula sa una nilang kinatatayuan.

"PATAYIN NA YANG MGA YAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Ang sigaw ng lahat.

"TUMAHIMIK KAYONG LAHAT!!!!!" Ang galit na galit na sigaw ni Calibur.

"BUMABA NA NGA MUNA KAYO" Ang sigaw pa niya sa tatlo.

Nakayuko at dahang dahang bumaba ang tatlo mula sa stage.

"Lahat ng reklamo ninyo ay icocompensate ko kaagad." ang sabi niya sa mga audience na agad ding napayapa.

"Makinig kayo lahat...." At ikinwento ni Calibur ang buong pangyayari at mga dapat nilang gawin. Ng matapos siya....

"Pano kami lalaban? kung yun ngang malalakas e napatay, kami pa kaya?" ang tanong ng isang thief.

"Kung sama sama tayong lahat, makakaya natin yon. Iyon lamang ang galaw na hindi inaasahan ni Baphomet dahil inaasahan niya na marami sa inyo ang matatakot."

"Pano kung mamatay kami?" ang tanong pa nung isa.

"Hindi maiiwasan na may mapatay. Pero kung magtatagumpay tayo, lahat kayo ay magrerespawn kung saan kayo nagpatala."

"Mahirap yata yan. kayo na lang, mamatay pa ko. ayoko." ang sabi ng isang knight at tumalikod na paalis.

"Oo nga, kayo na lang" ang sagot pa ng iba.

Isa isa ng nagaalisan ang mga tao. Hindi na makapagsalita si Calibur.

Ang lahat ay napapanood ni Pritong Kandule. Napatingin siya kay Phage at nakita niya ang luhang pumatak sa pisngi nito. Sa pagkakataong yon, di maipaliwanag ni Pritong Kandule ang nadarama. Bigla siyang pumanhik sa stage.

"MGA POTA KAYO!!!" Ang sigaw ni Pritong Kandule.

Naglingunan ang lahat at galit na tumingin kay pritong kandule.

"PBP TAYO KUNG GUSTO NIYO!!! MGA BOBO AMP!!!"

sumunod na rin ang dalawa sa kaniya sa stage.

"KALA NYO BA TATAGAL PA BUHAY NIYO? HINDI NA!! SINO DITO NAKALABAN NA KAY BAPHOMET?"

walang makasagot sa mga nakatingin sa kanya.

"KUNG GUSTO NIYONG MAKAGANTI SA KEN AT SA MGA KASAMA KO, PBP TAYO!"

tuluyan ng nagbalikan at pinaligiran ng mga tao ang stage dahil gusto nilang gulpihin si pritong kandule.

"PERO HINDI NGAYON. LABANAN MUNA NATIN ANG POTANG SI BAPHOMET!! PAG KATAPOS, LALABANAN NAMIN KAYONG LAHAT PATI LOLO NG MGA POTANG LOLO NIYO!!"

wala pa ring kumikibo sa mga nakikinig.

Naging seryoso na ang mukha ni Pritong Kandule. "Minsan, nung bata pa kami ni Praetor Kandule, Sinabi sa min ng aming tiyo, si Paeng Kandule, na kahit kelan hindi pa nagtagumpay si Baphomet sa kaniyang ka bul syetan... hmmmmm, bul syet....BS.... yun pala yon... Hindi pa nagtagumpay si Baphomet dahil hindi pinapayagan ito ng mga tao sa Midgard."

"PAPAYAGAN NIYO BA SIYA NGAYON?" ang pasigaw na tanong ni Pritong Kandule.

"HINDEEEEEEE!!!!" ang pasigaw na sagot ni Tirso at ni Ate Guy, ngunit sila lang ang sumagot.

Lalong nagalit si Pritong Kandule "GALIT NA GALIT KAYO SA MEN, PERO TINGNAN NIYO ANG SARILI NIYO NGAYON!!! KUNG MGA DUWAG KAYO, KAMI ANG MAGLILIGTAS SA MIDGARD, DAHIL HINDI KAMI PAYAG NA SI BAPHOMET AT ANG KANYANG MGA ANAK AT ANAK SA LABAS ANG MAGHARI SA MIDGARD!!! KALA NIYO KE TATAPANG NIYO, E KAY BAPHOMET LANG TAKOT NA KAYO!!! SA KEN PA? MGA DUWAG KAYO LAHAT POTA!!!"

"KUNG SINO ANG GUSTONG IPAGLABAN ANG KANYANG KALAYAAN AT KINABUKASAN, TUMUNTONG DITO SA STAGE NGAYON!!! ANO MGA POTA? WALA? POTA KAYO"

nakayuko ang lahat at hindi kumikilos. hindi na makayanan ni Ate Guy ang nangyayari. pumunta na din siya sa unahan at nagsalita.

"WALANG HIMALA!!! ANG HIMALA AY GAWA NG TAO!!! ITO AY NASA PUSO!!!"

napalapit si tirso kay ate guy at niyapos ito. napahagulgol si ate guy sa dibdib ni Tirso.

Lumapit si Phage at Calibur kay Pritong Kandule.

"Kasama niyo kami kahit sa kamatayan....." Ang sabi ni Calibur, at ng naluluhang si Phage.

May isang novice na umakyat sa stage.

"Ako si Wag Po Pls!! , at kung kukunin mo ko, sasama ko."

Tinapik ni Pritong Kandule ang novice sa balikat, at tumingin muli sa mga tao.

"Sasama ako, Ako si Gary Lising" Ang sabi ng misteryosong archer na nagtrade kay ate guy sa kaniyang Rudra's Bow para sa QUADRUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katya, Aubrey at Francine).

Kinamayan ni Calibur si Gary Lising.

"Ako den sasama!!!"

"Ako den!!"

ang sigaw na ng lahat.

"KUNG GANUN ISIGAW NIYO POTA SI NINOOOONNNGGG!!!" ang sigaw ni Tirso.

"POTA SI NINONG!!!!!!" ang sigaw ng lahat at bigla silang napatahimik, mga nagyukuan ang iba, at ang iba naman ay kunwaring may hinahanap sa kung saan saan.

nagtatakang napatingin si Pritong Kandule kay Tirso.

"Ay mali pala, MABUHAY SI NINOONG!!!"

"MABUHAAAAAYYYYYYY" nag sigawan ng lahat.


Biglang sinampiga ni Phage sa ulo si Tirso" Aba't hihirit ka pa!"

"Sssshhhhh, may porsyento ka......" ang sabi pa ni Ate Guy.
"ISIGAW NIYO ANG POTAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!" ang sabi ni Pritong Kandule.

"POTAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!" Ang nagkakaisang sigaw ng lahat ng tao sa Midgard pati na si Calibur at si Phage.

"POTA KA BAPHOMEEEEEEEEEEETTTTTTT" ang ulit pa nilang sigaw.

"SINO ANG POTA?"

"SI BAPHOMEEEEEEEET!!!!!!!!!"

"POTA! POTA! POTA! POTA!" ang sabay sabay na sigaw ng lahat.

"SANDALI MUNA!" ang sigaw ni Calibur.

nagtahimikan ang lahat, ngunit may mangilan ngilan pa ring nagsisigaw ng POTA!.

"Magsiuwi muna kayong lahat, kunin ang inyong pinakamalalakas na sandata at armor. at lahat tayo ay magkikita ulit dito bukas ng als tres ng madaling araw. Ihanda na ninyo ang inyong mga sarili."

Isa isa ng nagaalisan ang mga tao habang ang ilan ay nagsisisigaw pa rin ng POTA.

"Ehem.. ah...ekskyusmi....." Ang sabi ni Ate Guy sa mike.

"Ang lahat po ng gustong magpawarp, ma'am, sir, dito lang po, 1k lang"

Napatangin ang lahat sa stage sa kay Ate Guy na katabi ang maamong mukha at nakangiting si Tirso na may nakapatong sa ulong kartolina at may nakasulat na "WARP - 1K".

"HINDI PWEDE!!! Dadamay nyo pa ko." ang galit na sagot ni Phage.

Lumapit si Pritong Kandule "Tigilan niyo na nga yan!! AMP!! di na kayo nahiya!!!" Sabay ngiti kay Phage.

"Mamaya na pag wala na si Phage...." Ang bulong ni Pritong Kandule kay ate guy at Tirso.

Ng matapos na ang kaguluhan, lumapit si Pritong Kandule kay Phage.

"Phage, bukas maaaring magwakas na lahat. Pero bago mangyari yon... may gusto lang akong sabihin sa yo...."

"Ano yon?" Ang napabuntung hiningang tanong ni Phage.

"CANDY"

"Anong CANDY?"

Hinawakan ni Pritong Kandule ang dalawang kamay ni Phage, ngumiti, at buong tamis na sinabing "Cute And Nice Dats You".


Part 10
Baphomet's First Strike

“Pero dapat mo ding tanggapin, kung di sa kaniya, malamang e hindi natin nakumbinsi ang lahat para sumama sa atin.” Ang sabi ni Phage kay Calibur.

“Siguro nga… Pero ang hirap pa ring paniwalaan na sa kanya nakasalalay ang kapalaran ng buong Midgard.” Ang tugon ni Calibur.

Bigla na lang silang nagulat ng sumulpot sa likod nila si Ate Guy at Tirso. Nakaismid kaagad ang tingin ni Ate Guy kay Calibur, samantalang si Tirso naman ay nagtatago sa likod ni Ate Guy at natatakot.

“Phage, may pinapabigay si Ninong……” Ang sabi ni Ate Guy sabay abot ng flower.

“Nyee…. Ano to?” Ang napapangiwi na reaksiyon niya, samantalang si Calibur ay impit na napapatawa.

“Roses, at gawa sa papel yan! At hindi lang yan,” ang sundot pa ni Tirso, “meron din siyang lab leter para sa yo. Eto o.”

Kinuha ni Phage ang inabot ni Tirso at binasa

Labs, Ako’y HIYA….

H oping
I t’s
Y ou
A lways

Nagmamahal,
Priti

“Ano ba naman to…..” Ang napapakamot sa ulong sabi niya. “Pwede bang sabihin niyo sa kanya, magkaibigan na lang kami?”

“Ibig sabihin walang pag-asa si Ninong?” Ang gulantang na tanong ni Tirso.

“Hindi naman sa ganun… kaya lang, hindi “Hindi naman sa ganun… kaya lang, hindi naman ito dapat iniisip natin ngayon. May ubod ng laki pa tayong problema para isipin ang ganyan.”

“Hmm…. Sige, irereport naming kay Ninong.” Ang sabi ni Ate Guy.

“Halika na alis na tayo” ang yaya ni Tirso. “Bye Phage” ang nakangiting paalam nila kay Phage. At tumingin lang sila kay Calibur na parang naghahamon.

Ng ambaan sila ni Calibur ay mabilis na kumaripas ng takbo ang dalawa.

Ng makarating ang dalawa sa Prontera Pub…

“NINOOOOONNNGGG!!!!!” ang hinahapong sigaw ng dalawa.

“O ano balita? Dali, eksayted na ko e…” ang pahimas himas pa ng mga kamay na tanong ni Pritong Kandule.

“Napakaganda Ninong!! Halatang halata na may gusto siya sa yo!” Ang pahingal na sabi ni Ate Guy.

“Oo nga Ninong! Nag-blas pa nga e!” sundot pa ni Tirso.

“Nag blas?!! Nyahaha! Ano sinabi niya? Dali!” Ang tuwang tuwang sabi ni Pritong Kandule.

“Pagkatapos daw ng problema na-“

BLAAG!!!!!!

Nagulat ang lahat sa loob ng pub ng may isang novice nakalatag sa bumagsak na lamesa. At sa ibabaw niya ay nakatayo ang isang estranghero na naka cloak

“Pritong Kandule…..” ang mayabang na tinuran ng estranghero, at sinipa ang novice na nakahiga sa kaniyang harapan..

“Sorry, Pritong Kandule. Pinilit niya kong ituro kung nasaan ka. Hindi ko siya nakaya…..” Ang sabi ni Wag Po Pls!!! (see part 9) at gumapang siya papunta sa likod nila Pritong Kandule.

“Amp! Bakit?” Ang galit na tanong ni Pritong Kandule.

“Hahaha…. Ako si Goenitz… at ako ang assistant ng kapitbahay ng tiyahin ng High Priest ng Divine Order of Baphomet…”

Biglang pumorma na kaagad si Pritong Kandule, hawak ang kaniyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya).

“AMP!! DIYATA’T AT ISA KA SA MGA KAMPON NI BAPHOMET!!!”

Naglabasan kaagad ang mga Novice sa loob ng pub ng madinig ang usapan. Susugod na sana si Pritong Kandule at ang kaniyang mga sidekick ng biglang may napansin si Ate Guy. “Amp….. Ninong…”

Lumapit si Ate Guy kay Ninong at may ibinulong.

“Pota……”

Lumapit si Pritong Kandule sa estranghero at minasdan niya itong mabuti. Sa likod, sa harap, sa mukha sa ilalim ng cloak. At bigla siyang….

“NYAHAHAHAHAHA!!!! NOBIS AMP!! POTA, KAW LANG BA PADALA NI BAPHOMET? NYAHAHAHA” ang sabi ni Pritong Kandule. Syempre pa, tawa din ng tawa sila Tirso at Ate Guy.

Napa si Goenitz at nairita. Inalis niya ang kanyang cloak, namaewang at tinuran niya..

“Oo, ako si Goenitz, isang Super Novice!!! Champion 2003 Prontera Novice Tournament, Grand Champion 2003 PAM-PIG (Prontera, Alberta, Morroc, Payon, Izlude, Geffen) Association Tournament of The Novices, Voted Most Loved Mod February 8, 2003 at Third Runner Up That’s My Boy 1992.”

KATAK!!! Ang malakas na tunog ng biglang hambalusin ni Tirso ng kanyang Songhits si Goenitz sa ulo. Susugod na sana si Pritong Kandule at Ate Guy ng biglang sumigaw si Goenitz.

“SANDALI LANG!!!”

Napatigil sa kinatatayuan sila Pritong Kandule at pumorma si Goenitz na mahihiya mo maskman (yung lima sila, na parang bioman, aura power yata yun ) at biglang sunod sunod na sinabi habang tinatapik ang dibdib na.

“First Aid, First Aid, First Aid…”

Nalaman ni Pritong Kandule ang ginagaw ni Goenitz at siya naman ang sumigaw.

“AMP!!! POTA! TIRSO I-LEX MO!!! MAY HILCLIP!!!!”

Binilot ni Tirso ang kanyang Songhits at tsaka sumigaw ng “LEEEEEEEXXXXXX DIVIIINAAAAAAAA!!!” sabay tampal ng Songhits sa bunganga ni Goenitz.

Dahil dun, di na makapag First Aid si Goenitz. Napatingin siya kay Pritong Kandule, at biglang nagtatakbo paikot ikot sa loob ng pub habang hinahabol siya ni Tirso at ni Pritong Kandule.

Nagulat siya ng bigla na lang niyang nadinig si Ate Guy na kanyang nakalimutan. “BLIIIIIIIIIIIIIIITZZZZZZZZ BEEEEEEEEAAAAAAAAT!!!” sabay bato ng kanyang picky(with eggshell)

Lalong natakot si Goenitz ng makitang nagtatatarang na tumakbo ang picky papunta sa kaniya at bigla siyang pinagtutuka sa paa.

“AAAAAAHHHH” ang sigaw ni Goenitz, at bigla siyang nahuli ni Pritong kandule. Dali daling sinakal ni Pritong Kandule ng kanyang kaliwang braso si Goenitz at sunud sunod na pinagkukutusan.

“POTA KA!! KE YABANG YABANG MO!!! PAQ KA, SABIHIN MO KAY BAPHOMET ETO GAGAWIN KO SA KANIYA!! POTA!!”

Ramdam ni Goenitz na malapit ng maubos ang buhay niya. “KAILNGANG ILABAS KO NA ANG AKING HULING BARAHA!!…… play dead ..” ang ubod ng hinang bulong niya.

Nalugmok na lang bigla si Goenitz at binitawan na siya ni Ninong.

“AMP!!! NYAHAHAHA!!! POTA KA BAPHOMET, IKAW NA SUSUNOD!!! NYAHAHA!!” ang mayabang na sigaw ni Pritong Kandule habang nakatuntong ang isang paa kay Goenitz.

Kinuha agad ani Ate Guy ang kanyang picky at sinabing “Ninong, tara na, maleleyt pa tayo sa miting…”

“Aba, oo nga no. Baka magtampo si Phage pag di ako nakarating”.

Ng makarating sila sa Prontera Square, ang dami ng tao. Nasa taas na ng stage si Calibur at si Phage.

”Kailangan nating gumawa ng dibersyon para sa grupo nila Pritong Kandule. At ang pakikipaglaban ay di lamang magaganap sa GH. Kailangang sabay sabay na magkaroon ng pagkilos sa bawat town para makalusot ang grupo nila Pritong Kandule papunta sa GH at makuha nila ang Gravity Simulator kay Baphomet.” Ang sabi ni Calibur sa mga nakikinig.

“Ang bawat isa ay bibigyan din naming ng walkie talkie para pwede tayong magkausap kahit malalayo tayo. PM ang itatawag natin dun” Ang sabi pa ni Phage

“Dahil sa malawakang pagkilos, kayo ay hahatiin namain sa bawat grupo. Ang unang grupo ay tatawagin nating ALPHA-“

Naputol bigla ang pagsasalita ni Calibur ng harangan ng kamay ang kanyang bibig ni Pritong Kandule.

“Aahh, Calibur, pwede ba ako na ang magsasalita. Pinaghandaan na naming lahat ng yan.” Sabay kindat naman kay Phage na napa .

Nairita pa lalo si Calibur ng dumaan sa harap niya si Tirso at si Ate Guy na astang nanghahamon ulit.

“MGA KASAMA!!! MAKINIG KAYO LAHAT!!!”

nagsigawan agad ang lahat ng “NINONG! NINONG! NINONG! NINONG!!”

Kumumpas ang kamay ni Pritong Kandule at nagtahimikan ang lahat.

“Lahat tayo ay magkakaroon ng kani kaniyang grupo at may nakatalagang lugar kung san dapat sumugod. Dahil kami ang nahirang na pinakamagaling sa buong Midgard, Ang Grupo naming ay tatawagin POTA 1. Para malaman ninyo kung saan kayo kagrupo, mangyari lang na basahin ang mga ipamimigay na listahan ni Calibur sa inyo.”

Padabog na iniabot ni Ate Guy ang makapal na listahan kay Calibur, na tumingin naman ng masama sa kanya. Napahawak naman si Phage sa nadinig niyang sinabi ni Pritong Kandule.

“Ang mamumuno sa POTA 2 ay si batgirl, sa POTA 3 ay si Okita, sa POTA 4 ay si red kinoko, sa POTA 5 ay si cr14mson, sa POTA POTA 1 ay si Nerva, sa POTA POTA 2 ay si Strato….. At sa POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA 5 ay si greyt ismit op elbs” ang hingal na hingal na anunsyo ni ninong.

“At para hindi tayo mailto, tandaan niyo lang kung ilang POTA meron sa pangalan ng grupo niyo. MALIWANAG BA?”

“OPO NINONG!!!” ang sigaw ng lahat.
“KUNG HANDA NA KAYO, ISIGAW NIYO!!!” “POTAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!” “ANO SI BAPHOMET?” “POTAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!” “POTA!POTA!POTA!…….” “KILOS NAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!” ang malakas na sigaw ni Pritong Kandule at inilabas ng lahat ang kanilang mga sandata.


Part 1
Part 11
Into the Abyss

"Paper Roses
Paper Roses"

"TIRSO!!!" ang galit na sigaw ni Phage

"Yes Ninang?"

Napapikit si Phage sa tawag sa kaniya ni Tirso "Binigyan ko kayo ng pang PM para sa communication, hindi para kantahan mo lahat ng POTA Teams!!!"

"Masusunod Ninang" ang nakngiti at buong galang na sagot ni Tirso.

"At wag mo kong tatawaging Ninang!"

"Ok Ninang..."

"Hnnnggg..."

Patuloy na naglalakbay ang grupo ng POTA 1 patungong Glast Heim. Ang ibang POTA teams naman ay kasalukuyan na ding naglalakbay patungo sa kani kanilang destinasyon.

"POTAAAAAAA!!!! POTA KAYONG LAHAAAAAAAAT!!! POTA KA BAPHOMEEEEETT!!!" Ang sigaw ng tatlo habng nagbibingibingihan na lang si Calibur at si Phage.

"Ninong, dapat siguro hindi POTA 1 ang pangalan natin." ang sabi ni Ate Guy kay Pritong Knadule habang naglalakad sila patungong Glast Heim.

"AMP!! E tayo nga pinakamagaling e. kay dapat tayo ang 1!"

"Kaya nga Ninong e. Kung Tayo pinakamagaling, dapat ang tawag sa ten ay PRIME POTA!"

"Hmmm.... parang maganda yun a... Hinde! May naisip ako! NYAHAHAHA" ang halakhak ni Ninong na nagliliwanag ang mukha.

"Ano yon Ninong?" Ang excited na tanong ni Ate Guy.

"Tayo ngayon ang tatatawaging TEAM PINAKAPOTA !!!"

"NYAHAHAH!!!!! ANG GALENG!!! SOSYAL NA SOSYAL!!!"

"I pm mo sa lahat dali......" ang tuwang tuwang sabi ni Ninong.

Makalipas pa ang ilang oras, nakarating na sila sa Timog silangan ng Glast Heim.

"Madilim na. Tamang tama ang posisyon natin. Dito muna tayo magkakampo. Mula dito, makakarating tayo sa GH sa loob ng kalahating araw." Ang sabi ni Calibur.

Tumingin siya kay Tirso at kay Ate Guy at inutusan niya ang dalawa.

"Ayusin niyo na ating kampo. Tingnan ninyo ang paligid dahil maraming Kobold dito. At kumuha kayo ng mga kahoy panggawa ng apoy. Tandaan ninyo, wag kayong gagamit ng warp. mararamdaman ni Baphomet yon."

Sumimangot si Ate Guy at sinabing "Baket? ikaw ba pinuno dito? Sino ba lider ng TEAM PINAKAPOTA? ikaw ba?"

Napatiim bagang na naman si Calibur "Anong TEAM PINAKAPOTA? Kala ko ba POTA 1 tayo? at importante pa ba kung sino leader? alam niyo ba gagawin?"

"Binago na ni Ninong ang pangalan naten. At di mo kami utusan!"

Namumula na si Calibur sa galit at tumingin siya kay Phage na parang humihingi ng saklolo.

Nakita ito ni Phage. Napbuntunghininga na lang siya at saka tumingin kay Pritong Kandule na kunwari ay walang nadidinig.

"Pritong Kandule-"

Biglang hinarangan ni Pritong Kandule ang bibig niya "Ipagpaumanhin mo binibini, may kailangan lang akong sabihin..."

Di na nakpagsalita si Phage dahil lumapit na si Pritong Kandule kila Calibur. Pag kalapit niya, pahimas himas pa sa baba na nagsalita.

"Hmmm... Sa aking tantiya, malapit na tayo sa GH. Siguro dapat na tayong magkampo dito."

"Ganun ba Ninong? Ang galeng! talagang halatang halata na marami na kayong karanasan sa lugar na to." Ang sagot ni Tirso.

"At kung titingnan natin ang alaynment ng mga buwan sa bituin, sa palagay ko mga kalahating araw na lang tayong maglalakbay bago tayo makarating doon." Ang sabi pa ni Pritong Kandule habang nakatingin siya sa langit.

"Ang galing talaga ni Ninong!" Ang napapalakpak pang sabi ni Ate Guy at tsaka umismid kay Calibur na pulang pula na.

"Ah... Tirso, Ate Guy.. ayusin niyo na ang ating kampo. maghanap kayo ng mga kahoy at gumawa ng apoy... at ingat sa mga taong lobo ha.. madami nun dito. Pero wag kayong gagamit ng warp. Kilala ko si Baphomet, mararamdaman niya yon."

"YES NINONG!!!" Ang sagot ng dalawa tsaka mabilis na tumalilis...

Makalipas ang dalawang oras, nakapaligid na ang lahat sa apoy. Kumuha si Phage ng pagkain niya ganun din si Calibur, at kumain na sila.

Napatanga ang tatlo sa inilabas ni Calibur at Phage. Tig dalawang Meat, at tig-isang Milk.

Napansin ni Phage na walang nilalabas na pagkain ang tatlo.

"Bakit di pa kayo kumakain? Di ba sabi ko mag baon kayo? Kung wala, paghati hatian na lang natin to." Ang magkahalong inis at awa na sabi ni Phage.

Susunggab na sana si Tirso at si Ate Guy ng bigla silang tingnan ng masama ni Pritong Kandule.

"Maraming salamat Binibining Phage. Pero kung hindi mo pa alam, ang mga tunay na mandirigma ay hindi kailangang kumain ng hanggang tatlong araw. Ang aming disiplina sa sarili ang siyang nagpapatatag sa amin. Salamat na lang."

Napaatras si Tirso at si Ate Guy at bumalik sila sa kanilang kinauupuan. Nanood na lamang sila habang kumakain ang dalawang GM at nakontento na lamang sa paglunok ng laway.

Ng makatulog na ang dalawang GM, gising pa rin ang tatlo.

"Amp... Bakit di kayo nagdala ng pagkain?" Ang tanong ni Pritong Kandule sa dalawa at pareho niyang kinutusan.

"Kasi Ninong, bumili kong madaming arows." Ang kakamot kamot sa ulong sagot ni Ate Guy.

"Amp!!"

Napatahimik na lamng ang tatlo at tumingin na lamang sa kawalan ng nakanganga. Nabasag ang katahimimikan ng may madinig sila.

"twit.. twit"

"Uy, gising na piki ko. ahehehe, baka malapit ng maging palkon to." Ang nakangiting sabi ni Ate Guy habang inilalabas niya ang kaniyang picky (with eggshell).

Ng mailabas niya ang kanyang picky, hinimas himas niya ito at hinihipan hipan pa ang bandang buntot nito.

Napatingin si Tirso sa picky, napalunok at tumingin kay Pritong Kandule. Pag tingin niya kay Pritong Kandule ay nakatitig din ito sa Picky at tsaka napatingin sa kanya. Nagkatitigan ang dalawa na parang nagkakaintindihan at tsaka napabalik ang tingin sa picky(with eggshell).

Libang na libang si Ate Guy sa ginagawa niya ng mapansin niya ang dalawa. Sinundan niya ang tinitingnan ng dalawa at napatingin ang mga mata niya sa kanyang hawak. Ng tingnan niya ang kanyang picky (with eggshell)ay napatulala din siya. Napansin ng picky (with eggshell ) na nakatitig sa kaniya si Ate Guy kaya napatingin din siya kay Ate Guy at biglang nagining at kukurap kurap.

Biglang natauhan si Ate Guy at itinago bigla ang kaniyang picky sa loob ng bag. Natauhan din si Tirso at si Pritong Kandule.

Dahil sa gutom, nakatulog na rin ang tatlo.

Kinabukasan....

Tulog pa rin si Pritong kandule habang nagliligpit ang kanyang mga kasamahan ng kani kanilang higaan.

Dahil sa ingay sa paligid, nagising si Pritong Kandule.

"Haaayyy... umaga na pala. medyo napagod ako ng may tatlong taong lobo na muntik ng pumasok sa kampo natin e. Pero wag kayong mag alala, hindi suila sinanto ng DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) ko." Ang mayabang pang sabi ni Ninong.

Napailing na lang si Calibur at napabuntunghininga si Phage. Ang dalawa naman ay sabay na namang pumalakpak at sinabing "ANG GALENG TALAGA NI NINONG!!!"

Tumayo na si Pritong Kandule at naginat, nakataas ang dalawang kamay.

Napatingin sa kanang kamay niya ang lahat. Ng tingnan ni Ninong kung bakit ak nakita niyang hawak niya si Faffy, na kanina pa niya katabi sa pagtulog.

"AMP!!! SINO NA NAMAN NAGLAGAY NITO DITO?" ang galit na galit na tanong ni Pritong Kandule.

Kunwaring may hinahanap na naman sa kawalan si Tirso at si Ate Guy samantalang pangiting sumagot si Phage.

"Eh kanina mo pa katabi yan e. Yakap yakap mo pa nga...."

Namula si Ninong, tumingin kay Faffy at sinabing "Si Baphomet lang ang maaaring gumawa nito... Itatago ko muna to dahil baka may makuha tayong impormasyon tungkol dito." at mabilis na sinilid ni Pritong Kandule si Faffy sa kaniyang bag.

Naglakbay na ulit ang TEAM PINAKAPOTA. Tinaludtod nila ang daan pahilaga hanggang sa marating nila ang GH at pumasok sa bakuran nito.

Papasok na sana sila ng bigla silang mabingi sa halos mag kakasabay na PM na nadinig nila.

"NAKUHA NA NAMIN ANG PAYON!!! PATAY NA SI MOONLIGHT FLOWER!!!!!" ang malakas na PM sa kanila ni Batgirl, ang leader ng POTA 2.

"PANALO KAME!!! WOOHOOOO!!!!" Ang sigaw na PM pa ng iba.

"NYAHAHAHA!!!! ISIGAW NYO POTAAAA!!!!!" ang pm ni Ninong kay batgirl.

"POTAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! " Ang sigaw na PM nila batgirl ..

"Magaling batgirl, maghintay pa kayo ng mga susunod na instruction mula sa min." Ang PM ni Phage sa kaniya.

Nagpatuloy ang TEAM PINAKAPOTA papasok sa loob ng GH. Mga malalaks na ang loob dahil sa naunang tagumpay ni Batgirl laban kay Moonlight Flower. Naglalakad sila papuntang Castle ng bigla n lang may humarang sa kanila. Isang Bathory.

"Wihihihihihi... Mga Pangahas kayo... Sa Lugar pa ni Baphomet..." ang sabi ni ng Bathory sa kanila.

"AMPANGET!!!" ang iisang sigaw ni Ate Guy at Tirso.

Tinabig sila ni Calibur na nakahugot na sa kaniyang Balmung ng bigla na lang may lumabas pang isang Poison Spore. Kikilos na din sana si Phage ng bigla siyang hawakan ni Pritong Kandule sa balikat at saka sinabing "Binibini, akin na to..."

Sabay na sumugod si Calibur at si Pritong Kandule, parehong hawak ang kani kaniyang sandata.

Ng lumapit si Pritong Kandule sa Poison Spore ay binungu bungo siya nito.

"NYAHAHAHA!!!! YAN LANG BA KAYANG GAWIN MO!!! POTA KA, PATAY KAAAA-" Biglang napatahimik si Pritong Kandule at napahawak sa hita niya.

"POTA ANG HAPDE!!" Sa galit, tinadyakan niya ito ng ilang ulit at sunud sunod na himabalos ng kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) hanggang sa mamatay ito.

Samantala, madaling nadispatsa ni Calibur ang Bathory.

"Masyadong tahimik, kailangan mag ingat tayo."

Habng naglalakad sila pa ungol ungol si Pritong Kandule.

"Ninong " ang habol ni Tirso sa kanya.

"Ano yon?"

"Sabi ng lolo ko, pag daw nadikitan ng kabute, dapat ihian...."

Di napansin nila Phage na nagpaiwan ang tatlo.

Maya maya, humahangos na humahabol ang mga ito kay Calibur at Phage. Nakasimangot si Pritong Kandule habang pinupunasan ang kanyang mukha at maduwal duwal habang nakatingin ng masama kay Tirso.

"Pasensya na ninong, di kasi ko asintado e...." ang nagmamakaawang sabi ni Tirso.

"San kayo galing? kala ko kung ano na nangyari sa nyo" Ang tanong ni Phage.

Nawala ang bahid ng galit sa mukha ni Pritong Kandule at nakangiting sumagot ng "Hahaha... Binibini, ang isang tunay na mandirigma ay hindi basta basta napapaslang sa laban..."

Bigla na lang napasimangot si Phage at sinabing "Parang may mapanghe?"

Kunwang napatingin ulit sa kung saan saan si At Guy at si Tirso samantalang sumagot naman si Pritong Kandule ng "Oo nga... di lang ako nagsasalita pero parang kagabi ko pa naamoy si Calibur..."

Napatingin si Phage sa walang kamalay malay na si Calibur na nauuna sa kanila.

Patuloy silang naglakbay habang mahinang bumubulong (dahil natatakot na madinig ni bapho) ang tatlo ng "pota... potaaa si baphomet...." hanggang sa makarating sila sa castle.

"NAPATAY NA NAMIN SI DOPPELGANGER" ang biglang pm ni Okita, ang leader ng POTA 3.

Tuwang tuwa na silang lahat ng bigla na lang nadinig nila si red kinoko na nag PM.

"Mabibigo kami...... masyadong malakas si Osiris at ang kanyang mga kampon..."

"Anong... ? Lumabas kayo diyan... umalis na kayo" ang nagaalalang sabi ni Phage.

"Hindi pwede, ipit kami ng mga Isis at Reydrics at ang mga tauhan ko...di ko sila pwedeng iwanan."

"Hintayin ninyo, papupuntahin namin ang POTA 2 at POTA 3 diyan." ang sabi ng naluluha ng si Phage.

"Gagawin namin ang lahat. NINONG!!!! PARA SA YO TO!!!! OSIRIS...POTA KAYOOOOOOOO!!!!!!!" ang nadinig nilang sabi ni redkinoko.

"redkinoko.... anong nangyari?" ang tanong ni Calibur.

Wala silang nadidinig na sumasagot.

"Redkinoko!!! rekinoko!!!" ang ulit ni Calibur.

Hindi makakibo si Phage, samantalang ang tatlo naman ay tahimik. sa unang pagkakataon, unti unting nararamdaman ng tatlo ang bigat ng kanilang misyon.

"POTA 2, POTA 3, Pumunta kayo sa Morroc.... nadinig niyo na ang nangyari...." ang PM ni Calibur kay batgirl at kay okita.

Patuloy na naglakad na ang TEAM PINAKAPOTA. bawat hakbang ay bumibigat, at ang bawat sandali ay parang walang hanggan.

Ng makarating sila sa castle, biglang tumakbo ang galit na galit na si Pritong Kandule at sinipa pabukas ang pinto.

"POTA KA BAPHOMET!!!! LUMABAS KA!!!" ang sigaw ni Pritong Kandule.

Nagulat sila ng tumambad sa kanila ang Abysmal Knight kasama ang daan daang wanderer.

Humalakhak ng ubod lakas ang Abysmal Knight na nagpadagundong sa bawat sulok ng castle at saka sinabing....

"Maligayang Pag dating...."

Part 12
THE TERROR WITHIN

"POTA KA A!!! KALA MO NATATAKOT AKO SA INYO?" ang galit na galit na sigaw ni Ninong sa Abyssmal Knight at mga wanderer.

"NYAHAHAHAA!!! NINONG, TINGNAN MO ANG MGA KASAMA NIYA!!! AMPAPAYAT!!! MGA BUTOT BALAT!!!" ang sigaw naman ni Ate Guy.

Tahimik lang na nakatitig si Tirso sa Abyssmal Knight, at tsaka niya tinurang "Ninong, Tapusin na natin to."

Hinugot ng tatlo ang kanikanilang mga sandata, samantalang si Calibur at si Phage ay nasa likod lamang. "Binibini, kung di mo mamasamain, hayaan mong kami na lamang na tunay na mga mandirigma ang makipagtunggali sa mga halimaw na ito." Ang seryosong sabi ni Ninong kay Phage habang inilalayo niya ito.

"Calibur, dun ka na nga sa likod. At punasan mo yang pantalon mo. Ayan o, basa. kaya pumapanghe ka." Ang mayabang na sabi ni Ate Guy kay Calibur na napatingin sa pantalon niya at umismid bago lumayo.

At ang tatlong magigiting na mandirigma ay isa isang lumapit sa Abyssmal knight. Sa kanilang kamay, hawak nila ang kani knilang mga pinagkakaingantang mga sandata. Kay Pritong Kandule, and kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) kay Ate Guy, ang kanyang QUADRUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katya, Aubrey at Francine, at kay Tirso ang NOTBUK (na may piktyur ni Juday) sa kanan at ang SONGHITS(na may piktyur ni Jolina sa harapan).

"POTA KAYOOOO!!! NGAYON NIYO ILABAS ANG TAPANG NIYOOOOOOOOO!!!!" ang sigaw ni Pritong Kandule. vNg hinugot na ng Abyssmal Knight ang kanyang sword ay laking gulat ni Ninong. Ang sandata ng Abyssmal Knight ay isa ding DOUBLE VITAL FALCHION (na talaga namang ewan ko ba kung bakit... ).

"AMP!!! MALAKAS ANG SANDATA NIYA!!! TAYMPERS MUNA!!!" ang malakas na sigaw ni Pritong Kandule sabay sara ng pabalibag sa pinto.

BLAAAGG!!!! ang malakas na tunog ng pinto.

Nanginginig pa ang mga tuhod ni Pritong Kandule ng manlaki bigla ang mga mata niya ng maulinigan ang nadinig niya sa kabila ng pinto.

"AMPH!!! MOTA!!! ANG THAKIT! ANG INONG KOOOO!!!! MOTA NYUN ANH!!" Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nadinig. Dinikit ni Pritong Kandule ang tenga sa pinto at tsaka sinabing "Tiyo Paeng?"

"MAKET? MOTA KA, MUKSAN MO MINTO!!!! P-MI-P NAYO!!!" Napahalakhak bigla ng malakas si Pritong Kandule at binuksan agad ang pinto. "TIYO PAEEEEEENGG!!!" Ang kanyang malakas na sigaw sa Abyssmal Knight. Napa hithit ng hininga si Tirso at si Ate Guy, samantalang si Phage at si Calibur ay nalilito sa mga pangyayari.

"MOTA KA!!!! Huh?.... Mriti?" ang biglang naturan ng Abyssmal Knight. Bigla siyang sumenyas sa mga wanderer sa likod niya na huwag kumilos. "NYAHAHAHAHA!!!! SABI KO NA!!! Ang masayang sigaw ni Pritong Kandule sabay yapos sa kanyang Tiyo Paeng.

"Amp!!! NYAHAHAHA!!! Ano nginangawa mo nito?"

"May misyon kasi kami. May kelangan kami kay Baphomet."

"HA?!? Imig samihin, ngayo ang minamamatay ni Mapho?" Ang gulat na gulat na sabi ni Tiyo Paeng.

Hindi muna sumagot si Pritong Kandule. Sinuri muna niyang mabuti si Tiyo Paeng. Sa mukha, sa likod, sa paa, sa kamay.... "Tiyo Paeng... Bakit ganyan ang itsura mo? At bakit ka ngongo?" Ang nagtatakang tanong niya.

Hinubad ni Tiyo Paeng ang kanyang helmet at tsaka sinabing "E mota ka enh!!! Minalimag mo yong Minto, Ninamaan nuloy inong kohh!!! Ant nyung suot ngo, mahamang isnorya."

Lumapit bigla si Tirso at si Ate Guy.

"Oo nga pala Tiyo Paeng. Heto ang dalawang balalay ko, si Ate Guy at si Tirso." Ang pakilala niya sa dalawa.

"O MAY GAD!!! TIYO PAENG!!! ANG NAG TREYNING KAY NINONG!!!" Ang sigaw ni Ate Guy sabay yapos kay Tiyo Paeng.

Sumunod din si Tirso na sunod sunod na hinalikan ang mga paa ni Tiyo Paeng.

Nagalit bigla si Pritong Kandule at tig isang kutos ang binigay niya sa dalawa. "HINDI NIYO SIYA PWEDENG TAWAGING TIYO PAENG!!!" Ang kanyang galit na galit na sigaw.

Kakamot kamot sa ulo ang dalawa na nagtanong ng "E ano tawag namin sa kanya?"

"SUPREMO!!!" ang sigaw ni Pritong Kandule.

"Pasensiya na po Supremo. Di po namin sinasadya." "AMP!!! singe na singe na..." Ang sabi ni Tiyo Paeng.

Nagulat na lang ang iba ng bigla na lang nilapirot ni Tirso ang ilong ni Tiyo Paeng. Dahil dito napasigaw siya ng ubod lakas.

"NGYAHHHHHHH!!!! POTA KA A!!! PAPATAYON MO BA KO SA SAKIT!!!" ang galit na galit na sigaw ni Tiyo Paeng.

Takbo agad si Tirso sa likod ni Pritong Kandule atr sabay sabing "Inayos ko lang ilong niyo para di na kayo ngongo!"

"AMP!! POTA KA- oo nga no." Ang sabi ni Tiyo Paeng na hihimas himas pa sa kanyang ilong. Bigla na lang napatingin siya kay Calibur at Phage na palapit sa kanila. Lalo na kay Phage.

"Ahh.. Priti, sino ba itong mga kasama mo? Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanila?" Ang biglang nabagong tono ni Tiyo Paeng.

Tumingin si Pritong Kandule kila Phage at saka sinabing "Phage, Calibur, siya ang aking tiyuhin, si PAeng Kandule. Tiyo Paeng, siya si Phage at siya naman si Calibur."

Biglang sumingit si Ate Guy at lumapit kay Calibur "SUPREMO ang tawag sa kanya ha. Wag kang bastos. Tandaan mo ang GMRC" ang maangas na sabi niya kay Calibur.

Tiningnan lang siya ng masama ni Calibur at saka lumapit kay Tiyo Paeng.

"Kinagagalak namin kayong makilala." Ang sabi ni Calibur.

"Ganun din ako" Ang sunod naman ni Phage.

"Nasa akin ang kagalakan Binibini." ang sabi ni Tiyo Paeng sabay halik sa kamay ni Phage.

Napatingin bigla si Pritong Kandule kay Tiyo Paeng dahil sa ginawa nito at tono ng kanyang pananalita.

"Nababanaag ko sa iyong mga mata ang lungkot binibini. Pero kung ano pa man ang nangyari sa iyo. Kung anumang mga pasakit ang pinagdaanan mo, ito lang ang masasabi ko sa yo...." Hinawakan muna ni Tiyo Paneg ang mga kamay ni Phage at tsaka ubod ng tamis na binigkas ang " TIMPLA..."

Nagulat si Phage pero hindi niya ito pinahalata. "Anong timpla?" Ngumiti muna ng ubod tamis si Tiyo Paeng at tsaka niya binigkas ng ubod tamis "Trast In Mi Plis Lab Agen"

Lalong nanlaki ang mga mata ni Phage at napatingin siya kay Pritong Kandule. Si Calibur naman napakagat labi sa pagpigil sa pagtawa.

Biglang hinila ni Pritong Kandule ang tiyuhin niya sa isang tabi at sumunod naman si Tirso at si Ate Guy.

"Tiyo Paeng, akin na yan e. Liding ledi ko na yan. Wag mo ng ulupungin." Ang pabulong na sabi niya.

"O, e hindi naman para sa kin yun e. Para sa yo yun." ang sabi ni Tiyo Paeng.

"Yun naman pala e." Ang tuwang tuwang sabi ni Ate Guy at ni Tirso.

"Ah ganun ba... hehe. Ayus yun a. Sige." Ang masayang sabi ni Pritong Kandule.

Matapos ang kumustahan, pinagusapan nila ang kanilang sitwasyon. Pinaliwanag ni Phage ang lahat ng nangyari at mga kailngan nilang gawin kay Tiyo Paeng Kandule.

"Nyahaha!! Pwede ko kayong palusutin. Akong bahala sa mga bataan ko." Ang mayabang na sabi ni Tiyo Paeng Kandule.

"Yun naman pala e. Kung ganun, madali tayong makakapasok sa castle. Tulungan mo na din kami na-." Ang sabi ni Calibur.

"HEP!!! hindi ganun kasimple yun." ang putol ni Tiyo Paeng kay Calibur. "May ginawa sa min si Baphomet. Hindi kami pwedeng lumaban sa kanya, kundi magiging uod na berde kaming lahat." Napatingin ang lahat kay Tiyo pAeng sa sinabi niya. "Pwede lang namin kayong palusutin. Pero syempre, pano naman yung mga bataan ko. Dapat naman siyempre, may mapala sila. Alam niyo kasi, kaya namayat ng husto yang mga yan e dahil wala ng makain. Para sa kanila naman lahat yan e."

Nagkatinginan si Phage at si Calibur.

"Hmm... siguro mga 10k pwede na. hehe" ang sabi pa ni Tiyo Paeng.

"Sige walang problema." Inabutan kaagad ni Calibur ng 10k si Tiyo Paeng.

Nanlaki ang mata ni Tiyo Paeng at tsaka nagpaalam "Teka lang ha. Kausapin ko lang mga bataan ko."

Pumunta sa mga wanderer si Tiyo Paeng at tsaka masayang sinabing... "MAGANDANG BALITA MGA BATA!!! MAGKAKAPERA TAYO!!!"

Sigawan bigla ang mga wanderer sa nadinig nila.

"Talaga Supremo? Magkano?" Ang tanong ng mga wanderer. "5K!!!!! At syempre, dahil ako ang pinuno niyo, 2k sa kin, tapos hati hati kayo sa 3k" ang sabi pa ni Tiyo Paeng.

"Huwaw!!! Ambait talaga ni Supremo!!! Iben Sheyr talaga!!!" Ang sabi ng isang wanderer.

"Yan si Supremo, talagang hating kapatid!!" Ang sabi pa ng isa.

Bumalik na si Tiyo Paeng sa grupo nila Ninong.

"Ayos na! nakausap ko na sila. Pwede na kayong pumasok." Ang masayang sabi ni Tiyo Paeng kila Pritong Kandule.

Pagtingin nila sa castle ay nakabukas na ang pinto nito. May mga wanderer pa na kumakaway at naka thumbs up pa sa kanila. Meron ding nagwawalis ng dadaanan nila at meron pangnagbubunot ng sahig.

Napangiti si Phage at si Calibur.

"Pano Tiyo Paeng, pasok na kami. Wag kang mag alala, tatapusin ko si Baphomet para mawala sumpa sa inyo." Ang sabi ni Pritong Kandule.

"Maraming salamat Supremo!!!" Ang sabi pa ni Tirso at ni Ate Guy.

"Sige, salamat." Ang sabi din ni Phage at ni Calibur.

"Sandali lang binibini." Ang pigil ni Tiyo Paeng kay Phage. Hinawakan muli nito ang mga kamay ni Phage at sinabing "Bago ka umalis, nais ko lang malaman mong... HIYA"

"Hiya?" Ang tanong na naman ni Phage na hindi na kumportable sa mga nangyayari.

"Hoping It's You Always"

Nanlaki ang mga mata ni Phage. Biglang hinila ni Pritong Kandule ang kamay ni Tiyo Paeng.

"Tiyo Paeng naman.. nagusap na tayo e." ang bulong niya sa kanyang tiyuhin.

"Hindi, para sa yo yun." ang sabulong din ni Tiyo Paeng.

At pumasok na nga ang TEAM PINAKAPOTA sa castle. Hindi pa sila nakakatatlong hakbang sa loob ay bigla silang nagulat ng biglang sumulpot si Drake sa harapan nila.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?!?" Ang malakas na sigaw ni Drake na dumagundong sa bawat dingding ng palasyo


Part 13
Death Comes To All

“Si Drake!!! Panong…..” Ang nakangangang sabi ni Calibur at mabilis na humarang sa pagitan ng Team Pinakapota at ni Drake.

Tiningnan ng matalim ni Drake sila Calibur, suminghal at muling bumalik ang tingin sa mga wanderers na natigil sa knilang ginagawang paglilinis at kay Tiyo Paeng na hindi makakibo.

“MGA SUWAIL!!! KAYONG LAHAT AY SUMUMPA NA MAGLILINGKOD KAY BAPHOMET!!!”

Hindi makakibo si Tiyo Paeng at mga wanderers. Ang iba ay biglang nagluhudan at dagling humingi ng tawad, samantalang ang iba ay nananatiling nakatayo at nakatingin sa sahig.

Samantala, pabulong na nag-PM si Phage sa POTA POTA 2.

“Strato? Sumagot kayo? Sana walang nasawi sa inyo….”

“Uhmm… ah…Phage… si Strato to..” ang sagot naman ng team leader ng POTA POTA 2.

Dagling nabawasan ang pag-aalala ni Phage. “Anong nangyari sa inyo? Nasan na kayo?”

“Uhm.. Nasa Mjolnir Field 10 kami e..”

“Hah? Anong ginagawa niyo jan?”

“Uhm.. Ahh.. Kasi…”

“Ano? Si Drake ba may kagagawan?”

“Hindi… nung paalis na kasi kami ng Prontera, inalok kami ng warp nung kasama ni Ninong ng warp. 10k lang daw. E dahil mura yun, pumayag kami.”

Namula bigla si Phage at napatiim bagang naman si Calibur sa nadinig niya.

Pag tingin ni Phage kay Tirso, E kunwaring sinusuri nito ang kabuuan ng Palasyo.

“Hmm… Talagang konting linis lang e gaganda na to. May ambyans e.” Ang pakunwa pang sabi ni Tirso.

“Tirso….!!!!” Ang nagpipigil sa galit na tinuran ni Phage. Bigla na lang natigil ang usapan nila ng bigla na naming nagsalita si Drake.

“SABIHIN NIYO!!! GUSTO KONG BIGKASIN NINYO ANG LOYALTY TO BAPHOMET CREED!!!” ang galit na galit na sigaw niya kay Tiyo Paeng at mga wanderers.

Isa isang tinaas ng mga wanderer at ni Tiyo Paeng ang kanilang mga kamay. Nakasara ang palad liban sa hintuturo at tsaka ipinatong ang dalawang kamay sa noo, na mistulang mga bata na nagkukunwaring may mga sungay. Habang ang iba naman ay naglabas ng kani kanilang mga kopya ng creed, at ang iba naming walang kopya ay nakitingin na lamang at sabay sabay nilang binigkas ang hinihingi sa kanila ni Drake.

“SI BAPHO ANG PANGINOON NG BUONG MIDGARD
AT SYA’Y MAPANG UNAWA

MAHABA ANG KANYANG BUNTOT
MAKINIS ANG MUKHA

MAHAL NIYA AKO
AT MAHAL KO DIN SIYA

KAYA KAMING DALAWA
AY LAGING MAGKASAMA”

Nakatulala lamang si ninong at ang dalawa niyang alalay at si Phage naman ay napa . Nagulat na lang silang lahat ng bigla na lang sinugod ni Calibur si Drake, may dalawang Balmung sa magkabilang kamay.

Agad na humugot din si Drake ng dalawang Saber at sinalubong niya si Calibur.

“SINO KANG LAPASTANGAN NA NAG-AAKALANG KAYA MO AKONG TALUNIN? BWAHAHAHA!!!” ang malakas na sigaw ni Drake na unang nakapagbigay ng ulos. Agad itong nasalag ni Calibur at kapwa sila napaatras. Doon ay pareho silang nagtitinginan waring nagsusukatan ng lakas ng bawat isa.

“AMP!!! ANG YABANG NG POTA!!! PAQ U KA A!! TAYO NA LANG ANG MAG PBP!!! ANO?”Ang malakas na sigaw ni Pritong Kandule sabay bunot sa kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya).

Sumunod agad si Ate Guy at si Tirso. Nagulat na lang sila ng biglang sumigaw si Phage.

“AYISSSS…WAAAALLLLLL”

At bigla ay nagkaron ng mga ga trosong yelo na humarang kila Pritong Kandule at Drake.

Nakita lahat ito ni Drake at tsaka ito tumawa ng malakas. “BWAHAHAHA!!! TAMA YAN GM!!! PROTEKTAHAN MO SILA. PAGKATAPOS NITO, KAYO NAMAN ANG ISUSUNOD KO!! BWAHAHAHAHA!!!”

Galit na galit na bumalik si Pritong Kandule kay Phage.

“AMP!!! POTA NAMAN O!! Bakit mo kami hinarangan? Alam kong nag aalala ka sa akin. Pero kahit kelan, hindi pa ko umaatras sa labanan!! May mangilan ngilan akong pinospone pero itutuloy ko din naman yon pag di na ko bisi.” Ang sigaw niya kay Phage.

“WALA KAYONG MAGAGAWA DAHIL MAHIHINA KAYO!!!” Ang galit ding sigaw ni Phage kay Pritong Kandule. Ng sabihin niya yun ay bigla siyang natauhan at mababanaag sa mukha niya ang pagsisisi sa kanyang naturan.

Hindi nakapagsalita si Pritong Kandule at nanatili lamang na nakatingin siya kay Phage. Napayuko naman si Tirso at si Ate Guy.

Samantala, nagsimula ng magtagisan ng lakas si Drake at si Calibur. Ang bawat salpukan ng kanilang sandata ay ramdam sa buto ang lakas.

Ang mga wanderers at si Tiyo Paeng naman ay mga nanonood lang. Mababanaag sa mukha ni Tiyo Paeng ang kagustuhang tumulong ngunit pinipigil siya ng sumpa na hindi siya maaaring saktan si Baphomet at mga kampon nito, kung hindi ay magiging isa siyang fabre.


Bagamat napapamalas ni Calibur ang galing niya sa paghawak ng sandata ay waring kulang ang kanyang lakas kumpara kay Drake. Habng siya ay humihingal na at npapanganga na sa paghabol ng hininga, si Drake ay patuloy pa rin nakangisi.

Mula sa likod naman ay patuloy na sumisigaw si Phage ng mga orasyon para tulungan si Calibur. Ngunit anuman ang bigkasin niya ay waring wala pa rin itong naitutulong kumpara sa lakas ni Drake. At sila Pritong Kandule naman ay mga nakatiim ang bagang na nanonood sa pagtutungali na nasa kanilang harapan.

Biglang napahiyaw si Calibur ng makalusot ang isang ulos ni Drake at tumusok sa kanyang tagiliran.

“GNYAAHHH!!!!” Ang malakas na sigaw ni Calibur. Napaatras siya at bumagsak ang isa niyang hawak na Balmung.

“CALIBUR!!!” Ang sigaw ni Phage.

“HEAL!!! HEAL!!! HEAL!!!” Ang sunud sunod niyang sigaw ngunit waring walang epekto ang mga ito.

“BWAHAHAHA!!! ALAM MONG WALA NG EPEKTO YAN NGAYON GM. AT PAG NAMATAY NA SIYA, IKAW NA LANG ANG MATITIRA!!!” Ang tuwang tuwang sigaw pa ni Drake.

Napaluha na si Phage at humarap kay Tirso “KASALANAN MO TO!!! KUNG HINDI MO NILOKO SILA STRATO, HINDI MAKAKAPUNTA DITO SI DRAKE!!!”

Hindi nakakibo si Tirso at napaluha na lang ito habang nakatingin lang si Pritong Kandule at si Ate Guy.

“SOWUL STRIKE!!!! SOWUL STRIKE” ang magkakasunod na sigaw ni Phage at sumambulat mula sa kamay niya ang mga puting enerhiya na isa siang tumama kay Drake.

Hindi ininda ni Drake ang mga ito at sa halip at Humalakhak pa ng ubod lakas. “BWAHAHAHAHA!!! ALAM MONG BALEWALA SA KIN YAN GM. ALAM MONG WATER BALL LANG ANG MAKATATALO SA KIN!!! PERO WALA KANG TUBIG!!! BWAHAHAHAHA!!!!”

Mula sa likod ay biglang umulos si Calibur upang tagain sa leeg si Drake. Agad itong napansin ni Drake at kanyang sinalag ito. Si Drake naman ang umulos at tinamaang muli si Calibur at ngayon ay sa dibdib.

Lugmok na duguan si Calibur sa sahig at naglaho ang katawan nito. Hindi na makahuma si Phage.

Humarap sa kanila si Drake, at sa isang kumpas ng kamay ay biglang nabasag ang ice wall na nakapagitan sa kanila.

“BWAHAHAHA!!! NGAYON KAYO NAMAN ANG SUSUNOD!!!”

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Pritong Kandule. Nag PM siya kay Tiyo Paeng.

“Tes mayk helo. 1-2, 1-2. Tiyo Paneg?”

“Bakit Priti?” ang tanong ni Tiyo Paeng.

Sinabi ni Priong Kandule ang balak niya.

“Oo Priti. Payag ako. Matanda na din naman ako. At gagawin ko ito para sa iyo, at laong lalo na kay Praetor.”

“Salamat Tiyo Paeng” ang kanyang turan bago niya iPM naman si Phage.

“HA? Oo, pwede siguro yun. Wala na tayong ibang pwedeng gawin.” Ang sagot naman ni Phage. Hinila ni Pritong Kandule si Ate Guy at si Tirso sa tabi niya.

Tumingin muna siya kay Tiyo Paeng at mga wanderers na nagtanguan sa kanya at kay Phage na tumango din sa kanya.

“Wanderers…” Ang sabi ni Tiyo Paeng at isa isang humilera sa likod niya ang mga ito.

Napansin ito ni Drake at dagli itong tumawa lang. “BWAHAHAHA!!! HINDI NIYO AKO MAPAPATAY KAHIT MAGTULONG TULONG PA KAYO!!!”

“DRAKE!!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule na nakngisi at kumikislap ang mata.

“NGAYON NAAAAAA!!!!!!” Ang malakas na sigaw ni Pritong Kandule.

Ang mga sumunod ay mabilis na pangyayari…


Sabay sabay na dumahak sila Pritong Kandule, Tirso at Ate Guy. Gayun din si Tiyo Paeng at ang ibang wanderers. Ang iba naman ay mga tumalikod at madidinig ang sabay sabay na pagdaloy ng tubig.

Ki-nlose up bigla si Drake at waring nalaman na niya ang plano nila Pritong Kandule. At bumigkas bigla siya ng “SEEEEYYYP-“

Pag buka pa lang ng kanyang bibig ay nalaman na ni Tirso ang bibigkasin niya at dagli itong tumakbo papunta kay Drake at dinuraan niya ito na tumama sa mata. Napaso si Drake at di natuloy ang kanyang sasabihin.

“AAAAHHHH” Ang malakas na sigaw nito. Samantala, patuloy pa rin si Tirso sa paglapit at tsaka sumigaw ng “LEEEEXXX DIVINAAAA” sabay tampal sa bunganga ni Drake ng NOTBUK (na may piktyur ni Juday).

Nagulat si Pritong Kandule at tsaka sinabing “AMP!!! TIIIRRSSOOO ALIS DYAAANNN!!”

“HINDE PWEDE NINONG!!! MAG SE-SEYPTI WOL!!!” Ang sigaw ni Tirso na ngayon ay naka samapa na sa likod ni Drake habang tinatakpan ng dalawang kamay ang bunganga nito.

“TIRSOOOOOO!!!” ang malakas na sigaw ni Ate Guy.

Walang nagawa si Pritong Kandule.

“NGAYON NAAAAA!!!!!”

At sabay sabay nagduraan sila Pritong Kandule at mga wanderers. Ang iba ay nagbato ng plastik na may lamang tubig na manilaw nilaw.

Sumigaw naman si Phage bigla ng “WOOOTAAAAHH BAAAALLLL” At ang lahat ng tubig sa ere ay hinigop ng liwanag na umalpas sa kamay ni Phage. Mayroong dilaw, may puti, may ma bula bula, may halak, meron ding iba na tinga.

“HINmmnfhfmf!!!!!” Ang malakas na sigaw ni Drake na pinigilan ni Tirso.


At tumama ang ginating waterball kay Drake. Nayanig ang mga pundasyon ng palasyo sa lakas ng tama sa kanya nito.

Agad na nawalan ng buhay si Drake at ang mga wanderers at si Tiyo Paeng ay nagging mga fabre, na nagpuntahan na sa kung saan sang dirkesiyon dahil pati ang kanilang mga isip ay nawala na din sa kanila.

Samantala, si Tirso ay tumalsik ng malayo.

Si Phage, si Ate Guy at si Pritong Kandule ay hindi agad nakahuma.

Ng matauhan sa nangyari, biglang tumakbo si Pritong Kandule at Ate Guy paunta kay Tirso.

“TIRSOOOO!!!” Ang malakas na sigaw ng dalawa ng maabutan nila si Tirso na nakalugmok, duguan….. nag-aagaw buhay.

Agad na lumuhod si Pritong Kandule at kinandong ang ulo ni Tirso.

“Tirso….” Ang bulong ni Pritong Kandule habang naluluhang nakatinginkay Tirso.

“Ni-ninong….. nat-natalo natin si Drake” ang paputul putol na sabi ni Tirso habang nagpipilit pa rin ngumiti.

“Kaya mo yan Tirso….” Ang sabi naman ni Ate Guy na lumuluha na din.

“Ate Guy… yung…. yung songhits ko….itago mo ha…” Ang nagpipilit pa ring ngumiti na sinabi ni Tirso, habang hinuhugot ang duguan ding songhits sa kanyang bulsa at iniabot kay Ate Guy.

Mula sa likod, biglang nagsalita si Phage.

“Tirso…”

Tumingala si Tirso kay Phage, umubo at tinurang “Ni-ninang… pasensya ka na ha…”

Hindi na makapagsalita si Phage na patuloy ang daloy ng luha. Lumuhod siya sa harap ni Tirso, at hinawakan ang duguang palad nito.

“P-pero bumawi n-naman ako…. Di b-ba?” ang parang nagsusumamong turan ni Tirso kay Phage.

Napatango na lang si Phage at tsaka hinalikan ang kamay ni Tirso at niyakap sa kanyang dibdib.

“Ninong, I-ikaw na ang b-bahala. K-kaya niyo yan.” Ang sabi niya kay Pritong Kandule.

Binawi ni Tirso ang kanyang kamay kay Phage at hinila niya sa damit si Ate Guy.

“Ate Guy… Si Ninong… wag mong papabayaan ha….”

“Hindi Tirso…. Pramis.” Ang sagot ni Ate Guy.

Tumingin muli si Tirso sa kanyang Ninong, ngumiti, at huminga ng malalim…….. at naglaho na ang kanyang katawan.

“TIRSOOOOOOOOO!!!!!!!!” ang malakas na hiyaw ni Pritong Kandule.

Part 14
Enter IGGY and JOBERT the Raydrics...


““N-ninong…. Halika na.”Ang malungkot na sabi ni Ate Guy kay Pritong Kandule na nakaluhod habang nakahawak siya sa balikat nito.

Hindi muna nakasagot si Pritong Kandule, bagkus ay yumuko muna ito at mistulang parang bata na umuuga ang balikat habang impit na umiiyak.

Nakita ni Phage ang nangyayari at lubha siyang nalungkot. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Pritong Kandule. Masakit mawalan ng mahal sa buhay. At kay Pritong Kandule ay hindi lamang isa ang nawala. Si Praetor nung una, at ngayon naman ay sumunod si Tiyo Paeng at si Tirso.

“Waahhh *hikbi* haanggg” ang pahikibi hikbi pa ring iyak ni ninong.

Sa awa ni Phage ay napayakap siya kay Pritong Kandule na agad namang naramdaman ng huli. Dahil dito ay lalo siyang pumalahaw ng iyak.

“BAKEEEEETTTTT?!? NO…… DIS IS NOOOOOOOO!!!!!!!! WAAAAAHHH” ang lalo pang lumakas na hiyaw ni Pritong Kandule na naging sanhi naman ng lalong pagyakap ng mahigpit ni Phage.

“Priti, tama na, wala na tayong magagawa….”Ang paiyak na sinabi ni Phage habang lalo siyang napapayakap ng mahigpit sa nakatalikod at nakaluhod pa ring si Pritong Kandule. At sa sobrang awa ay hinahalik halikan pa niya ang ulo nito.

Makalipas ang mga humigit-kumulang na kinse minutos na pagyakap ng mahigpit at paghalik sa nagpapalahaw na si Pritong Kandule ay nangawit na ito.

“Ate Guy…” ang sabi ni Phage, sabay senyas kay Ate Guy na siya naman ang yumakap kay Pritong Kandule.

Bumitaw si Phage kay Ninong at lumapit na si Ate Guy na kanina pa din lumuluha dahil sa awa kay Pritong Kandule.

“Ninong… huhuhuu” Ang sabi pa nito nang akmang yayakapin na niya si Pritong Kandule.

Nagulat na lang si Ate Guy ng biglang tumayo si Pritong Kandule, pinunasan ang mga mata at tsaka sinabing “Lika na ayos na ko…” na ikinagulumihanan naman ni Phage.

“Nandito lang sa loob ng palasyo si Baphomet ang Grabiti Simyu- basta hanapin na natin yun.”

Nagkatinginan lang si Ate Guy at si Phage na napa .

Nakaakyat na ang natitirang miyembro ng TEAM PINAKAPOTA sa ikalawang palapag ng palasyo ng bigla na lang silang may naulinigang nagkakalampagang metal. Nagtago kaagad sila sa likod ng mga naglalakihang pundasyon. Nagulat sila ng makita ang dalawang Raydric na papiki na naglalakad, nagmumura at waring nagmamadali.

“Amp!! Jobert, saan ba?” Ang sabi ng isa habang papiki pa ring naglalakad habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa bandang puwitan.

“Dito lang yun Iggy, napansin ko yun nung oryenteysyon kahapon e.” Ang paimpit na sagot naman ni Jobert.

“Pota naman kasi e. Sinabi ng Unrayp Apol yun. TSk, kabago bago natin, baka masibak agad tayo.” Ang galit na tugon ni Iggy.

“Eto! Dito yun!!” Ang sabi ni Jobert at nagmamadaling pumasok sa nakitang kuwarto.

Agad sumunod si Iggy, at pabalabag na isinara ang pinto. Tumingin si Pritong Kandule kay Phage at kay Ate Guy. “Sunod kayo sa kin.” Ang kanyang sabi, at dahan dahan silang naglakad papunta sa pinto na pinasukan ng dalawang raydric.

Pagkalapit nila sa may pinto ay idinikit ni Pritong Kandule ang kanyang taenga sa pinto na ginaya din naman ni Tirso, habang si Phage ay nakatayo lang at patingin tingin sa paligid.

“To naman ang hirap sa yuniporm natin e… Pag masakit ang tiyan mo, kelangang hubarin mo lahat.” Ang nadinig nilang tinig mula sa likod ng pinto, kasabay na nagkakalansingang mga metal.

Makalipas ang maiksing sandali ay wala na silang nadinig na ingay maliban sa mga manaka-nakang pag bagsak ng kung anung bagay sa tubig. Kasabay nito ang pag iba ng amoy sa paligid. Napatakip ng kamay sa ilong si Phage at si Pritong Kandule ay napasimangot. Pagtingin nila kay Ate Guy ay medyo nakangiti ito, nakapakit, at tipong ninanamnam pa ang halimuyak na nanggagaling sa loob ng kwarto.

Binatukan ni Pritong Kandule si Ate Guy at tsaka pabulong na sinabing “Buksan mo pinto, at humanda kayo…”

Agad na tumalima si Ate Guy at binuksan ang pinto. Pagbukas nito ay nakita nila ang mga uniporme ng dalawang raydric na nasa sahig, at dalawang cubicle na nakasara ang mga pinto ngunit makikita sa ilalim ng mga ito ang tig-isang parehas ng mga paa.

Dahil sa mahalimuyak na amoy ay lumabas ulit ang mahihiya mo na naduduwal na si Phage. Samantalang si Pritong Kandule ay nakatakip sa ilong at si Ate Guy na…. Wala lang… ay tig-isang tinadyakan ang dalawang pinto. Agad na napabalikwas ang dalawang nakaupo na pareho pang may hawak na diyaryo .

Hinugot na ni Pritong Kandule ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION(kasi agi knight daw siya) at ni Ate Guy ang kanyang QUARUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katya, Aubrey at Francine). Susugod na sana sila ng biglang tumaas ang kamay ni Iggy at sumigaw ng “HEP!!!” sanhi upang mapako sa kinatatayuan sila ninong.

“Teka muna naman, hayaan niyo naman kami munang matapos” ang sabi naman ni Jobert.

Nagkatinginan si Pritong Kandule at si Ate Guy at kapwa sila napatango. “AMP!!! Siya sige, pero hindi na puwede to.” Ang sabi ni Pritong Kandule sabay sipa sa mga uniporme ng mga raydric palayo.

“Sige pwede na yon..” Ang sagot ng isa sa mga Raydric na kapwa sabay na nagsara ng pinto.

Pagkalipas ng mga ilang sandali, at pagkadinig sa buhos ng tubig, nagsalita si Ate Guy “PAQ NAMAN O!! Ano Pwede na ba?”

“Oo, teka lang, matatapos na!” Ang sagot ng raydric ni Iggy na nasa kaliwang cubicle.

“Ako tapos na!” Ang sagot naman ni Jobert sabay labas ng pinto na nakasando at boxers lang.

Matapos yun, ay lumabas na din si Iggy.

Nag girian na ang mga magtutunggali. Si Pritong Kandule at si Ate Guy na hawak ang kanilang mga sandata. Unang kumilos si Pritong Kandule, naktaas ang kanyang sandata at biglang sumigaw ng “POTAA KAYOOO!!! TIKMAN NINYO ANG TALIM NG AKING-“ Napatigil bigla si Pritong Kandule ng makitang dinampot ni Iggy ang kanyang sword na nasa sahig.

“AMP!!!! ABA HOY!!!! HINDI PWEDE YAN!!!’ ang galit na galit na turan nito habang papalapit kay Iggy na natigilan. Dinampot ni Pritong Kandule ang sword at tsaka sinabing “AMP!!! Wala sa potang usapan natin yan! Ang usapan natin kanina, papayagan naming kayong tapusin ang ginagawa ninyo, pero di niyo na pwedeng gamitin ang mga ito” sabay turo sa sword at sa mga uniporme.

Nagkatinginan si Iggy at si Jobert. “Oo nga, pumayag tayo kanina Iggy” ang sabi ni Jobert.

“Abay pano tayo lalaban niyan?” Ang utgon ni Iggy.

“POTA NAMAN O!!! GAME NA!!! Ang sabi ni Ate Guysabay hugot kay Piki at tsaka sumigaw ng “BLIIIITTTTTTTZZZZZZ BEEEAAAATTTT!!!!!” Agad na kumawala mula sa kamay ni Ate Guy si Piki at ng bumagsak ay patakbong dumiretso kay Iggy na napasampa kay Jobert. “HUWWWAAAAGGG!!!!” Ang malaks na sigaw ng nanlalaking mata na si Iggy.

Ng tutukain na sila ni Piki ay biglang natigilan ito. Waring Nilalanghap ang hangin sa paligid, at agad itong nagtatakbo pabalik kay Ate Guy. Dinampot agad siya niAte Guy at tsaka hinipan sa mukha at itinago na ulit sa kanyang bag.

“POTA!!! PATI ANG PIKI DINADAMAY NIYO!!! SIGE ATE GUY NGAYON NA!!!” Ang galit na galit na sigaw ni Pritong Kandule.

“HUWWWAAAAGGG!!! DI NA KAMI LALABAN” Ang biglang sigaw ng dalawang raydric na nagpanikluhod.

“AMP!!! MGA DUWAG NAMAN PALA KAYO E!!!”

“Parang awa niyo na, di na kami lalaban.” Ang sabi ni Jobert.

“Oo nga, uuwi na lang kami, maliit lang naman pasahod sa min dito e.”

“AMP….NYAHAHAHA!!!! MGA DUWAG!!! MGA INUTIL!!! NYAHAHA” Ang mayabang na sabi ni Pritong Kandule.

Agad na tumayo ang dalawa at payuku yuko ang ulo habang papalabas.

“POTA NAMAN… TITINGIN PA TITINGIN PA!!!” Ang sabi naman ni Ate Guy sabay batok kay Iggy.

Agad na nagtatakbo ang dalawa pagkaabot nila sa pinto. Ng mawala na sa panigin nila ang dalawang Raydric ay bumalik na si Phage na mukhang hinang hina at nagpupunas ng bibig.

Si Ate Guy naman ay nakatingin sa nagkalat na uniporme at biglang tinurang, “Ninong, may naisip ako!!!”

Makalipas ang ilang sandali….

“Bagay ba ninong?” Ang tanong ni Ate Guy habang sinubukang maglakad suot ang uniporme ng Raydric.

“Hmp!!” Ang sabi ng nakaismid na si Pritong Kandule.

“Wala tayong magagawa Priti, sinubukan na natin sa yo, kaya lang medyo malaki ang tiyan mo e.” Ang sabi pa ni Phage na nakasuot na din ang isa pang uniporme.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Ate Guy habang nakatingin siya sa nagkalat na mga toilet paper.

Makalipas, pa ang ilang sandali…

“Hayan ninong!!! Tapos na, di ka na rin nila makikilala!” ang tuwang tuwang sabi ni Ate Guy kay Pritong Kandule na ngayon ay ballot ng toilet paper ang buong katawan.

“Paq! Pota naman o…” Ang bagsak ang balikat na turan ni Pritong Kandule.

“Maganda naman Priti, mukha ka talagang mummy” Ang sabi ni Phage na nagingiti sa likod ng helmet na suot.

“Siya, siya, halika na, hanapin na natin yung potang GRABITI SIMYU na yun…”

At lumabas na nga ang tatlo mula sa kwarto. Dahil sa kanilang mga suot ay panatag ang loob nila sa pagsaliksik sa bawat kwarto. Ngunit lahat ng kanilang pasukan ay tahimik, at waring ni isa man lang nilalang na nandoroon.

Habang naglalakad sila at paliko sa isang silid ay bigla silang may nakasalubong.

“Naman, naman!! Di ba sabi ni Daddy sa Hidden Temple!! Ambobobo niyo naman!!!” Ang mapagmataas habang patalun talon na turan ng Bapho Jr.

“H-ha…. Sorry, di naming nadinig e.” Ang mabilis na turan ni Phage na pumagitna agad sa Bapho Jr. at kila ninong.

“Tsk! Papatanggal ko kayo kay Daddy e. Teka muna, ano ginagawa niyan dito?” Ang sabi nito habang nakatingin sa direksiyon ni Ninong.

“Ahh… may report kasi ko kay Master…” Ang tugon ni Pritong Kandule.

Lumapit sa kanya ang Bapho Jr. at sinuri siya.

“Mummy ka ba talaga?” Ang tanong nito.

“Aba’y oo! Maming-mami!” Ang sagot ni Pritong Kandule at naglakad paikot ikot na nakataas pa ng hanggang balikat ang dalawang kamay. “O di ba?”

Nakatingin lang ang Bapho Jr, na lubha naming ikinabahala ni Ate Guy at ni Phage. Samantala, si Pritong Kandule ay patuloy pa rin sa pag kukunwang mummy. Nagulat na lang siya ng bigla siyang tusukin ng Bapho Jr. sa hita nga kanyang trident.

“AAAAWWWWW!!!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule at galit na lumapit sa Bapho Jr. upang sakalin ito.

Biglang tinaas ng Bapho Jr ang kanyang Trident at nagsalita “O ano? Lalaban ka? Baka gusto mong sumbong kita kay Daddy? Baka hindi mo alam na sa aming lahat na magkakapatid e ako paborito niya? Ano?” Ang nagmamalaking sabi nito habang naka dikit ang dibdib nito sa tuhod ni Pritong Kandule. Sa likod nito ay umiiling si Phage at si Ate Guy.

“Hindi po…” Ang maamong sabi ni Pritong Kandule. “Kaya ako lumapit e baka kako gusto mo ng kalong.”

“Hmmm… sige, pero gusto ko pasan mo ko sa mga balikat mo.” Ang tuwang tuwang sabi ng Bpaho Jr. habang nakataas ang dalawang kamay at naghihintay na buhatin siya ni Pritong Kandule.

Ng maipasan na siya ni Pritong kandule sa kanyang mga balikat ay nagsalita ulit ito.

“Halika na, kung may irereport ka, dadlahin kita kay Daddy.” Ang sabi ng Bapho Jr. At tsaka gumawa ito ng isang warp portal.

Nagkatnginan ang tatlo at tsaka sabay sabay na tumuntong sa portal.


Part 15
The Reckoning

Sa isang iglap ay napunta ang TEAM PINAKAPOTA sa hidden temple sa tulong ng paboritong anak ni Baphomet na si Bapho Jr.

“O baba mo muna ko.” Ang sabi ni Bapho Jr. kay Pritong Kandule sabay batok dito.

“Hmmpp” At buntong hininga na lang ang nagawa ni Ninong, at binaba na niya ang kanyang pasan pasan na si Bapho Jr.

“O, walang gagala-gala sa inyo ha. Hintayin niyong tawagin ko kayo. Alalahanin niyo, busy si Daddy.” Ang pabanta pang sabi ni Bapho Jr. habang patalun talon ito bago pumasok sa isang lagusan na nababalutan ng mga sanga at mga kung anu-anong halaman.

“Kaya pala di natin siya makita, nandito pala siya.” Ang pabulong na sabi ni Phage.

“Kung nandito siya, ibig sabihin, nandito din yung GRABITI NYENYU- yun.” Ang pabulong din na sabi ni Pritong Kandule.

“Oo. At magandang pagkakataon to. Malamang ay di niya inilalayo sa sarili niya ang gravity simulator. At makakalapit tayo sa kanya ng walang abala.” Ang patuloy pang sagot ni Phage.

Makalipas ang ilang saglit, lumabas sa lagusan si Bapho Jr. at patalun talon na sinabing “O sige, pasok ka na mummy. At kayong dalawang Raydric, sumama din. Lagot Kayo! Ambobobo kasi ninyo. May kausap lang si Daddy, kaya wag muna kayong maingay.”

At pumasok na nga ang tatlo sa lagusan.

Ng makapasok sila, Agad nilang nakita ang isang naghuhumiganteng nilalang na mukhang kambing pero nakatayo na parang tao. Nagbabaga ang mga mata nito at umuusok ang ilong. May hawak na isang malakaing karet na mas malaki pa sa isang normal na tao. Si Baphomet. May kausap ito na nakaluhod na at nakadipa, mistulang sumasamba.

Sa likod ni Baphomet ay mayroong isang muwebles na may tatlong paa. Mas mataas ito kay Baphomet at sa ibabaw nito ay mayroong mistulang itlog na kumikinang ng iba’t ibang kulay. Sa isang tingin pa lamang ay mababanaag na kaagad na ang itlog na ito ay naglalaman ng isang pambihirang kapangyarihan.

“Ang Gravity Simulator….” Ang pabulong na sabi ni Phage, at napanganga si Ate Guy. Ng tumingin sila kay Pritong Kandule ay napansin nila na nanginginig ito.

“Ninong… bakit?” Ang nag aalalang tanong ni Ate Guy.

Hindi sumagot si Pritong Kandule. Sa mga pagkakataong yun, bagamat hindi naman masasabing basa ang kanyang salawal ay nakakaramdam siya ng kakaibang damdamin. Magkahalong kaba, lakas ng loob, ligaya at kalungkutan. Nararamdaman niya sa kanyang mga ugat ang kapangyarihan na nagmumula sa Gravity Simulator.

Nagising lang si Pritong Kandule mula sa kanyang estado ng mag salita na si Baphomet sa kanyang kausap.

“BINIGO MO PA RIN AKO!!!” Ang dumadagundong na sigaw ni Baphomet sa kanyang kaharap. “HANAPIN MO ULIT SIYA AT SIGURADUHIN MO NA HINDI NA SIYA SISIKATAN NG ARAW!!!!!!!!” Ang patuloy pa niyang utos.

“Masusunod po.” Ang nakaluhod pa ring sabi ng kausap ni Baphomet.

Pagkatapos noon ay sumingit na si Bapho Jr. “Daddy, Daddy!” Ang patalon talon na tawag nito sa kanyang ama. “Eto na yung mummy at yung dalawang ugok na Raydric” ang tuwang tuwang sabi pa nito.

Tumingin sa Baphomet sa direksiyon ng TEAM PINAKAPOTA at agad niya itong inutusan. “LUMAPIT KAYONG TATLO DITO!!” ang dumadagundong na naming salita nito.

Lumapit ang tatlo kay Baphomet. Sinuri sila nito mula ulo hanggang paa. Kasabay ni Baphomet ay lumingon din ang nakaluhod sa harap nito na ikinagulat ni Ate Guy at Pritong Kandule. Si Goenitz, ang Super-Novice!

Isa isa silang sinuri ni Goenitz, si Phage na nakasuot ng uniporme ng Raydric, si Ate guy na nakasuot din ng uniporme ng Raydric, at si Ninong na… Biglang bumalik ang tingin ni Goenitz kay Ate Guy. Sinuri niya uli ang ulo ni Ate Guy at napahithit siya ng hininga ng maaninang mula sa mga awang ng helmet ni Ate Guy ang kanyang hinahanap.

“Master!!!” Ang biglang sigaw nito at napatayo siya.

“ANO YON?” Ang nalilitong tanong ni Baphomet.

Sa halip na sumagot ay lumapit si Goenits kay Ate Guy at sumilip sa loob ng helmet nito.

“Hindi ako pwedeng magkamali! Siya ang balalay ni Pritong Kandule!”

Biglang ninerbiyos ang tatlo dahil kay Goenitz. Agad na nagsalita si Phage.

“Uhm.. baka po nagkakamali lang kayo. Matagal ko ng kasama to e.” Ang pagkukunwa pang turan nito.

“Hinde! Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya lang ang nakita ko na may ganyan sa mukha!” Ang patuloy pa rin ni Goenitz.

“TEKA MUNA!!! ANONG BALALAY? AT ANONG GANYAN SA MUKHA?” Ang nalilitong tanong ni Baphomet na nauubos na rin ang pasensiya.

“Ahhmm.. Balalay- Bobong Alalay.” Ang sagot ni Goenitz na ikinasingkit ng kaliwang mata ni Baphomet. “At siya lang ang nakita ko sa buong midgard na may ganyan sa kanang pisngi. Isang NUNAL!!!!” Ang pahingal pang sabi nito.

Hindi pa rin makakibo ang tatlo ngunit handa sila at naghihintay sila sa maaring mangyari.

Biglang lumapit si Goenitz kay Ate Guy at hinablot ang helmet nito. At bumungad kay Baphomet ang sinasabi ni Goenitz. Ang nunal ni Ate Guy.

“Sinasabi ko na!!!” Ang sabi pa niya.

Ng sabihin iyon ni Goenitz ay biglang nililis ni Pritong Kandule ang kanyang costume at hinablot si Goenitz sabay tutok ng DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) sa leeg nito.

Gayun din si Phage na agad na hinayaang bumagsak ang mga metal na uniporme ng Raydric at gayun din si Ate Guy.

“AMP!!!! NYAHAHAHA!!! BAPHOMET!!! YU SAN OP A MADERLES GOAT!!! NAGTAGPO DIN TAYO!!!”

Sa likod ni Pritong Kandule ay hawak na ni Ate Guy ang kanyang QUADRUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katya, Aubrey at Francine) at Si Phage na may hawak din na dalawang Balmung.

Samantala ay nakanganga si Bapho Jr. na hindi makatalun-talon at nakatingin lamang kay Baphomet na halatang galit na galit na sa nangyari ngunit di pa rin nagsasalita.

“OY, BOBOMET!! Ang ibig sabihin nun ay Bobong Baphomet kundi mo pa alam, nyahahaha. IBIGAY MO SA MIN ANG GRABITI SIMYU--- Ayun, yung itlog kung hindi papatayin naming tong balalay mo. DALI! AMP!!!” Ang mayabang na utos ni pritong Kandule habang nakatutok pa rin ang kanyang sandata sa leeg ng namumutlang si Goenitz.

Hindi pa rin kaagad kumibo si Baphomet. Pumikit muna ito. Ng Dumilat ito ay biglang tumawa ito “MUWAHAHAHA!!! Ikaw pa la si Pritong Kandule. Naghihintay ako ng isang vit-knight, o kahit ng isang hybrid. Pero hindi ko inaasahan na ikaw… ikaw pala ay isang SWORDIE!!!! MUWAHAHAHAHA!!!!”

Biglang nagalit si Ate Guy sa hirit ni Baphomet. Binaba muna nito ang kanyang sandat mula sa pagkakaumang mula kay Baphomet at tsaka nagsalita. “PAQ!! BOBO AMP!! HOY, AGI-KNIGHT SI NINONG BOBO!!!”

“AGI… MUWAHAHAHA!!! WALA PANG KUMALABAN SA AKING KNIGHT AT NABUHAY. SWORDIE PA KAYA?” Ang natatawa pa ring turan ni Baphomet.

Napatalun-talon na yulit si Bapho Jr. “Ang bobo!! Ang bobo!!! Wala kayo kay Daddy!! Wahihihi”

“AMP!! TAMA NG SATSAT!!! AKIN NA YUNG ITLOG KUNDI MAMAMATAY TONG POTANG BALALAY MO!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule.

Tumingin si Baphomet kay Bapho Jr. at tsaka tinurang “Hmm. JR?”

“Yes Daddy!” Ang sagot ni Bpaho Jr. at agad itong tumakbo papunta kay Goenitz at tinusok nito ng kanyang trident ang dibdib ni Goenitz.

Nagulat si Pritong Kandule at nabitawan niya ang super novice. Naptangin na lang siya ng bumagsak ito.

“AMP!!! P-pota ka… Bansot!!!” Ang sabi ni Goenitz kay Bpaho Jr. bago siya malagutan ng hininga at naglaho na ang kanyang katawan.

“MUWAHAHAHA!!! ANO ULIT ANG SABI MO PRITONG KANDULE?” Ang mayabang na tanong ni Baphomet.

“AMP!!! KUNG AYAW MONG IBIGAY, KUKUNIN NAMIN!! POTA!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule.

“PAANO?” Ang naghahamong tanong ni Baphomet. “MGA ANAAAAAAAAKK!!!” Ang malakas na sigaw nito, at agad ay nagsulputan sa likod niya ang iba pang mga Bapho Jr. May nakasalamin, may nakatapi pa ng tuwalya, merong may hawak na pagkain. Pero ang lahat ay patalun-talon nakangisi at nakatingin sa TEAM PINAKAPOTA.

Ngumisi lamang si Pritong Kandule “AMP!!! NYAHAHAHA!!! BAT PURO BANSOT ANG ANAK MO? BOBO AMP!!!”

“HUNGHANG!!! KATAPUSAN NIYO NA BOBO!!!” Ang sigaw ni Baphomet at naglinyahan sa likod niya ang mga Bapho Jr.

Napatiim-bagang si Pritong Kandule. Tumingin siya kay Phage. Waring nag-uusap ang kanilang mga mata at tumango si Phage. Kay Ate Guy naman siya tumingin, at tumingin siya sa ulo ni Baphomet, at tumingin ulit kay Ate Guy. Tumaas ang dalawang kilay ni Ate Guy, parang nagtatanong at inulit uli ni Ninong ang pagtingin sa direksiyon ng ulo ni Baphomet at pabalik kay Ate Guy. Napakamot ng ulo si Ate Guy.

“AMP!!!! TAYMPERS!!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule.

Naging relaks ang tindig ni Baphomet at ang mga Bapho Jr ay bumalik muna sa kani kanilang ginagawa. May nagbasa ng diyaryo, may kumain, may nagtsismisan, at ang iba naman ay naupo.

Lumapit si Pritong Kandule kay Ate Guy at bumulong sa tenga nito. Makalipas ang ilang sandali ay nagliwanag ang mukha ni Ate Guy at tsaka tinurang “Ahhh, ok Ninong”

Bumalik si Priong Kandule sa pwesto niya sa unahan at tumngin kay Phage na nasa bandang kanan sa kanyang likuran, at kay Ate guy na nasa kaliwa naman. Pumwesto na ulit siya hawak ang kanyang sandata.

“OY BOBOMET, GAME NA!!”

Umusok ang ilong ni Baphomet at sumigaw ulit ng “MGA ANAAAAAAAKKK!!!”

At dagling nagpuwestuhan ulit sa likod niya ang mga Bapho Jr.

“SIGE GAME NA KAMI, PRITONG KANDULE” Ang sigaw ni Baphomet at itinaas ang kanyang higanteng karet.

“NGAYON NAAAAA!!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule.


Sumugod si Pritong Kandule ng patakbo papunta kay Baphomet, nakataas ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya).

Kasabay ni Pritong Kandule ay nagpakawala ng maraming arrows si Ate Guy. “ARRROOOOOWWWWW SHOWERRRRRRR!!!!!”

Ng mga sandaling iyon ay Hindi gumagalaw si Baphomet sa kanyang kinatatayuan, nakataas lamang ang kanyang higanteng karet at naghihintay sa atake ni Pritong Kandule.

Samantala…akmang pasugod na ang mga Bapho Jr ng biglang sumigaw naman si Phage ng “STOOOOORRRRM GUSSSSSTTTTTT!!!” At mula sa langit ay naglaglagan ang mga niyebe na nagbagsakan sa mga Bapho Jr. Ang ilan sa kanila ay nag yelo at ang ilan ay nangamatay agad.

Samantala pa ulit…

Nag ulanan na ang mga arrows ni Ate Guy papunta sa ulo ni Baphomet na agad namang nailagan nito ng walang kahirap hirap at inihanda na ni Baphomet ang sarili niya dahil sa malamit ng si Pritong Kandule. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya bigla na nakangiti si Ate Guy. Nakatingin sa likod niya. Dahil doon ay lumingon siya at bigla siyang nagulat.

Hindi siya ang puntirya ni Ate Guy. Nakita niya pabuwal na ang muwebles na kinalalagakan ng Gravity Simulator dahil tadtad ito ng arrows ni Ate Guy. Galit na galit na humarap ito at nakita niya si Pritong Kandule na uulusan na siya sa tiyan.

“HINDEEEEEE!!!!” Ang sigaw ni Bpahomet sabay hampas ng higanteng karet kay Pritong Kandule.

Muling nagulat si Baphomet ng biglang nagpatibuwal si Pritong Kandule at dumausdos sa gitna ng kanyang mga paa.


Ng makalampas si Pritong Kandule sa mga paa ni Baphomet ay eksakto na nasalo niya ang Gravity Simulator na nalaglag na nga mula sa natumbang muwebles.

Napatalon sa tuwa si Phage at si Ate Guy.

“WAAHOOOOO!!!! ANO BOBO MET!!!! NYAHAHAHA!!!” Ang malakas na sigaw ni Ate Guy.

Tumayo si Pritong Kandule, hawak ang Garavity Simulator sa kamay na patuloy pa rin sa pagkinang. “NYAHAHAHA!!! AMP!!! ANO KA NGAYON BAPHOMET? MAGSALITA KA!!!”

Biglang lumuhod si Baphomet at dumipa na mahihiya mo sumasamba kay Pritong Kandule. “P-patawarin mo ko!! Maglilingkod ako sa yo N-ninong” Ang biglang pagmamakaawa naman niya.

Nagulat si Ninong at gayun din si Phage. Samantala si Ate Guy naman ay lumapit kay Baphomet at binatukan ito. “Amp!!! Anong Ninong?”

Samantala, lumapit naman si Phage kay Pritong Kandule at niyakap niya ito. “Tagumpay tayo Priti!!” Ang tuwang tuwang sabi niya kay Pritong Kandule.

“Uhm.. Phage, anong gagawin ko dito? Bakit walang nangyayari?” Ang pabulong na tanong niya kay Phage habang kunwari pa ring nakangisi kay baphomet na patuloy pa ring nakaluhod sa harap nila.

“Hah? E-ewan ko. Walang nasabi sa Praetor sa kin tungkol diyan…” Ang biglang nag-aalalang bulong ni Phage.

Napansin ni Ate Guy na nagbubulungan ang dalawa at sinipa muna niya si Baphomet bago lumapit sa mga ito. “Bakit Ninong?” Ang agad niyang tanong kila Pritong Kandule.

Umiling si Phage at ayaw sagutin ang tanong ni Ate Guy. Nabigla siya ng binulong ni Pritong Kandule ang problema.

“HAH? HINDI MO ALAM GAMITIN?” Ang nabiglang sigaw ni Ate Guy, na ikinagulat naman ni Phage at ni Pritong Kandule. Sa likod nila ay napataas ang ulo ni Baphomet. “..err.. ang play wing?” Ang ninenerbiyos na patuloy niya at nagnakaw siya ng tingin kay Baphomet.

Nagulat ang tatlo ng biglang tumayo si Baphomet, naniningkit ang mga mata, at biglang tumawa. “MUWHAHAHAHA!!!!!! HINDI MO ALAM GAMITIN ANG GRAVITY SIMULATOR!!! HANGAL!!!” Ang nakayayanig na sigaw nito sa tatlo.

Hindi malaman ni ninong ang gagawin. Itinaas niya ang Gravity Simulator at tsaka nagkunwang “Amp!!! A-anong hinde? S-subukan mong lumapit at uutasin kita, sige. P-ota ka!!”

Sandaling natigilan sa kinatatayuan niya si Baphomet, sinuri niya ang tatlo. Si Phage ay mababanaagan ng takot sa mukha. Samantalang si Ate Guy naman ay naluluha at basa ang salawal. Pagtingin niya kay Pritong Kandule ay nanginginig ang brasong may hawak ng Gravity Simulator.

“MUWAHAHA!!! HINDI AKO ULOL!!!” At itinaas na niya ang kanyang karet upang paslangin ang tatlo.

“BLIIIIIITTTZZZZ BEEEEAAAAATTTTT” Ang biglang sigaw ni Ate Guy at kumawala mula sa kamay niya ang PICKY (with eggshell). Agad na sumugod si Piki papunta kay Baphomet. Ng malapit na siya ay bigla niyang tinuka ang paa ni Baphomet.

“MUWAHAHAHA!!! Kayo ba ang tatalo sa kin?” Dinampot niya si Piki at tumingin kay Ate Guy. Isinubo niya ng Piki at tsaka dumighay.

[Close up kay Ate Guy]

“PIKIIIIIII!!! HINDEEEEEEEEEEEEEE!!!” at agad na dumaloy sa mukha niya ang luha. “POTA KA BAPHOMET!!! POTA KA!!!”

Pumailanlang sa ere si Ate Guy sabay hugot ng kanyang sandata at nagpakawala siya ng sunud sunod na arrows. Ang lahat ng ito ay hindi ininda ni Baphomet. Paglapag niya ay tumakbo siya papunta kay Baphomet, hawak ang kanyang QUADRUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katay, Aubrey at Francine) na parang isang espada upang ihampas kay Baphomet. “POTA KA BAPHOMEEEET!!!! POTA KAAAAA” Ang kanyang sigaw.

Hindi pa man niya nahahampas si Baphomet ay bigla siyang nasakal nito at binuhat mula sa lupa.

“MUWAHAHAHAHA!!!!” Ibinato ni Baphomet si Ate Guy at tumama ito sa isang puno na kanyang ikinawalan ng malay.

Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi man lang nakakilos si Phage at si Pritong Kandule.

“ATE GUUUYYY!!!” Ang sigaw ni Pritong Kandule.

Hindi pa man natatapos ang sigaw ni Pritong Kandule ay nagulat siya ng biglang makita niya ang karet ni Baphomet na inihampas sa kanya. Biglang natumba si Pritong Kandule ng itulak siya ni Phage para makaiwas sa ulos ni Baphomet.

“P-priti….” Ang nadinig niyang tinig mula sa kanyang likod. Ayaw lumingon ni Pritong Kandule dahil alam niyang di niya magugustuhan ang kaniyang makikita. Agad na namuo ang mga luha sa kanyang mata at pinilit niya ang sariling lumingon.

“Phage…..” agad siyang tumakbo papunta kay Phage lumuhod at kinandong ang ulo nito.

“P.priti……” Ang tugon ni Phage na nag aagaw buhay.

At sa isang iglap, naglaho ang katawan ni Phage mula sa kanyang mga kamay. Nadidinig niya ang tinig ni Baphomet na humahalakhak at nagsasalita pero hindi niya yun naiintindihan. Wala siyang maramdaman, pakiramdam niya ay mayroon siyang isang napakalaking puwang sa kanyang dibdib na naging hungkag. Wala na siyang pakialam.

Sa mga sandaling yon, napatuon ang pansin niya sa isang bulaklak.

“Bulaklak… tagsibol na pala…”

[Flashback:Prateor]

“Kuya Priti, tingnan mo tong nakuha ko, romantic flower” Ang masayang sabi sa kanya ng novice na si Praetor habang humahangos palapit sa kanya nung siya’y novice pa rin.

“AMP!!! E para saan yan? Ang gumagamit niyan bading!” Ang kanyang sabi kay Praetor.

“hmmm.. oo nga no” at tinapon ito ni Praetor pero medyo malungkot.

“Halika, balik na lang tayo kay Tiyo Paeng, laruin natin si Faffy.”

Biglang nagliwanag ang mukha ni Praetor at sinabing “Sige!!!”

At tumakbo silang dalawa pauwi sa Prontera.

[End Flashback]

“Praetor…”

[Flashback: Paeng Kandule]

“Priti, dahil ikaw ay isa ng swordsman, ibibigay ko sa yo ang pinakamalakas na sandata na nahawakan ko… ang aking DOUBLE VITAL FALCHION” Ang nakangiting sabi sa kanya ni Tiyo Paeng.

Kinuha ni Pritong Kandule ang sandata at doon ay mababanaag sa kanyang mukha ang pagkamangha at tuwa. “Maraming salamat Tiyo Paeng”

[End Flashback]

“Tiyo Paeng…”

[Flashback: Calibur]

"Madilim na. Tamang tama ang posisyon natin. Dito muna tayo magkakampo. Mula dito, makakarating tayo sa GH sa loob ng kalahating araw." Ang sabi ni Calibur.

Tumingin siya kay Tirso at kay Ate Guy at inutusan niya ang dalawa.

"Ayusin niyo na ating kampo. Tingnan ninyo ang paligid dahil maraming Kobold dito. At kumuha kayo ng mga kahoy panggawa ng apoy. Tandaan ninyo, wag kayong gagamit ng warp. mararamdaman ni Baphomet yon."

Sumimangot si Ate Guy at sinabing "Baket? ikaw ba pinuno dito? Sino ba lider ng TEAM PINAKAPOTA? ikaw ba?"

Napatiim bagang na naman si Calibur "Anong TEAM PINAKAPOTA? Kala ko ba POTA 1 tayo? at importante pa ba kung sino leader? alam niyo ba gagawin?"

[End Flashback]

“… mabait siya at matapang, di tulad ko.”

“T-Tirso… naniwala ka sa kin… sabi ko di ko kayo pababayaan…”

[Flashback: Tirso]

Pag buka pa lang ng kanyang bibig ay nalaman na ni Tirso ang bibigkasin niya at dagli itong tumakbo papunta kay Drake at dinuraan niya ito na tumama sa mata. Napaso si Drake at di natuloy ang kanyang sasabihin.

“AAAAHHHH” Ang malakas na sigaw nito.

Samantala, patuloy pa rin si Tirso sa paglapit at tsaka sumigaw ng “LEEEEXXX DIVINAAAA” sabay tampal sa bunganga ni Drake ng NOTBUK (na may piktyur ni Juday).

Nagulat si Pritong Kandule at tsaka sinabing “AMP!!! TIIIRRSSOOO ALIS DYAAANNN!!”

“HINDE PWEDE NINONG!!! MAG SE-SEYPTI WOL!!!” Ang sigaw ni Tirso na ngayon ay naka samapa na sa likod ni Drake habang tinatakpan ng dalawang kamay ang bunganga nito.

“TIRSOOOOOO!!!” ang malakas na sigaw ni Ate Guy.

[End Flashback]

“Hindi mo kami pinabayaan….”

Napatingin siya sa direksiyon ni Ate Guy.

[Start Flashback]

“POOTAAA KAAA JESTONIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!! ETO ANG PARA SA YOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni ate guy at may binato siya ng pagkataas taas sa langit, ang kanyang sikret. di ito makita ni Jestoni dahil nasisilaw siya sa araw. napanganga naman si tirso at napabulong ng "ate guy" ng makarating sa rurok ang ibinato ni ate guy, sumigaw ito ng ...

"BLIIIIIIIIIIIIIIIITTZZZZZZZZZ................ BEEEEEEEEEEAAAAAAAAAT!!!!!!!!" at ang bagay na binato ni ate guy ay bumagsak sa harapan ni Jestoni..... isang picky (with eggshell). tumakbo bigla ang picky papunta kay Jestoni at pinagtutuka siya nito.

[End Flashback]

“Ate Guy, hindi mo ko iniwan… totoo kang bala- kaibigan.”

[Flashback Phage]

Sa awa ni Phage ay napayakap siya kay Pritong Kandule na agad namang naramdaman ng huli. Dahil dito ay lalo siyang pumalahaw ng iyak.

“BAKEEEEETTTTT?!? NO…… DIS IS NOOOOOOOO!!!!!!!! WAAAAAHHH” ang lalo pang lumakas na hiyaw ni Pritong Kandule na naging sanhi naman ng lalong pagyakap ng mahigpit ni Phage.

“Priti, tama na, wala na tayong magagawa….”Ang paiyak na sinabi ni Phage habang lalo siyang napapayakap ng mahigpit sa nakatalikod at nakaluhod pa ring si Pritong Kandule. At sa sobrang awa ay hinahalik halikan pa niya ang ulo nito.

[end Flashback]

“Phage…” Humihikbi na si Pritong Kandule, di na niya mapigil ang luha na bumuhos ang daloy sa kanyang mga pisngi. “Sana sinabi ko agad sa yo nararamdaman ko. Pero di kita nailigtas… ikaw pa ang…. Pa-pasensiya ka na..”

“Lahat na lang ng mahal ko sa buhay eh namatay at nawala sa harap ko at wala man lang akong nagawa? wala ba tlaga akong silbi?...

kuya priti!

“Hindi ko naisip na mangyayari samin to..”

priti!!!

“ano na gagawin ko?..”

ninong!!!!

“pababayaan ko na lang bang matapos ang lahat? ako ba ang dapat sisihin sa nangyari?”

”hindi, hindi ako papayag na mangyari ito…magbabayad ang may kagagawan nito..”

[Flashback na mabilis]

lahat ng mukha nila (sequential) praetor, calibur, paeng, tirso, ate guy, biglang tigil sa mukha ni phage

PRITONG KANDULE!!!

[ABRUPT END OF FLASHBACK]

Nawala bigla sa trance si Pritong Kandule at namalayan kaagad niya mula salikod na malapit na ang karet ni Baphomet sa kanyang leeg. Agad niyang sinalag ito ng kanyang kaliwang palad.

Duguan ang kanyang kamay ngunit di siya bumibitiw sa pagkapit sa talim ng karet ni Baphomet. Lumingon siya dito at tsaka tinurang “Baphomet, magbabayad ka..”

Nagulat si Baphomet, binitawan ang karet at napaatras ito. “Hindi tayo kailanang maglaban Pritong Kandule… Ibigay mo sa kin ang Garvity Simulator at dalawa tayong maghahari sa buong Midgard.

Nakatingin lamang si Pritong Kandule kay Baphomet. Nakatiim ang bagang at banaag ang galit at determinasyon. Itinaas ni Pritong Kandule ang Gravity Simulator “Ito ba? Ito ba ang gusto mo? ETO!!!!”

Biglang ibinato ni Pritong Knadule ang Gravity Simulator sa lupa ng ubod lakas dahilan para mapasigaw si Baphomet “HUWAAAAAGGGG!!!” at tinagkang saluhin ito, ngunit nahuli siya. Tumama ang Gravity Simulator sa lupa at nabasag.

Mula sa loob ng Gravity Simulator ay kumawala ang nakabubulag na ilaw na pumalaot sa lahat ng direksiyon. Dahil sa pwersa ng pagsambulat ay napatalsik si Baphomet. Ng tamaan ng puwersa si Pritong Kandule ay nagliwanag din ito at bigla ring tumilapon.

Ng mawala ang liwanag ay galit na galit na tumayo si Baphomet. “PRITONG KANDULEEEEE!!! AKALA MO BA MATATALO MO KO PAG SINIRA MO ANG GRAVITY SIMULATOR? HINDEEEE!!! IKAW NAMAN ANG PAPATAYIN KO NGAYON!!!! MAGPAKITA KA!!!!” Ang galit na galit pa niyang sigaw habang palinga linga sa paligid upang hanapin ang kanyang katunggali.

Nakita niya ang nakahandusay na katawan ni Pritong Kandule. “MUWAHAHAHA!!! KATAPUSAN MO NA!!!” At dinampot niya ang kanyang karet upang tapusin na si ninong.

Nagulat siya ng biglang magilaw ang katawan ni Pritong Kandule na dahilan upang masilaw ulit siya. Napayuko siya at nagtakip ng kanyang mga mata.

Ng mawala na ang ilaw ay tumingin siya sa direksiyon ni Pritong Kandule at nabanaagan niya na ito’y nakatayo na. Una niyang nakita ang suot na boots nito at nagulat siya. Ang sapatos ni Pritong Kandule ay nagkulay ginto. Unti unti niyang tinaas ang kaniyang panigin at lalo siyang namangha. Ang buong kasuotan ni Pritong Kandule ay nagbago na.

Ang pantaloon ni Pritong Kandule ay isa ng asul. At ang balikat nito at mga braso ay napapalamutian ng ginto. At sa dibdib nito ay isang krus. At tsaka pa lang niya napansin na ang buong katawan ni Pritong Kandule ay nagniningning.

“Baphomet..” ang turan ni Pritong Kandule.

“P-panong… ano ka?” Ang nalilitong tanong ni Baphomet na bahagyang natakot at nagulat ng makita niya ang mukha ni Pritong Kandule, ang mga mata ay nagbabaga.

“Thy reignof evil ends now…” Ang tugon ni Pritong Kandule na hawak pa rin ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION(kasi agi knight daw siya).

Sandaling napaatras si Baphomet. “Hindi mo pa rin ako kaya!!! MGA ANAAAAKKK!!!” At dagli, ang mga napaslang na anak ni Baphomet ay nabuhay na para bang walang nangyari.

“Hindi mo kami kayang lahat!!!” Ang sabi pa ni Baphomet.

Waring hindi siya pinansin ni Pritong Kandule. Sa halip ay itinaas nito ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) ng kanyang dalawang kamay.

“ANONG GAGAWIN MO?” Ang natatakot na turan ni Baphomet. Napapaatras na siya.

"I am the divine light
I wield the power of truth
My mind is clear
My heart is pure
Holy Father
To You, I commend my soul
Give me the strength
To smite my enemies
Let justice prevail..
Let evil be undone.."

Biglang tumalon sa ere si Pritong Kandule. Pagbagsak niya ng paluhod ay kanyang sinigaw.

“GRAAAAAAAANNNDDD CROOOOSSSSSSSSSS!!!!!”

At itirak niya ang kanyang sandata sa lupa. Mula sa langit ay may bumulusok na ilaw at tumama sa sandata ni Pritong Kandule. Mula naman ditto ay lumabas ulit ang ilaw. Gumagapang sa lupa papunta kila Baphomet at sa mga Bapho Jr.

“ANO YAN?? POTA KA PRITONG KANDULE!!! ANO YAAAANN??” Ang takot na takot na sigaw ni Baphomet.

Umabot ang ilaw sa kinatatayuan ni Baphomet at ng mga Bapho Jr.

Tumigil na sa paggapang ilaw sa lupa ng makabuo ito ng mistulang isang higanteng krus. Tumaas ang ulo ni Pritong Kandule, bahagyang napangisi at tsaka pinihit ng bahagya ang kanyang sandata na nakatarak pa rin sa lupa.

Biglang sumambulat ang ilaw pataas. Naghiyawan ang mga Bapho Jr. at agad na nasunog.

“PRITONG KANDULEEEE!!! AAARRRGGGHHH!!!! HINDI PA TAYO TAPOS!!! MAGBABAYAD KAAAAA!!!!! ARRRGGGHH!!!!” Ang palahaw ni Baphomet. Habang ang kanyang katawan ay nalulusaw.

Ng tuluyan ng mawala si Baphomet ay hinugot ni Pritong Kandule ang kanyang sandata mula sa lupa.

Nagwagi siya, natalo niya si Baphomet, pero hindi niya makuhang ngumiti.

“Ate Guy” Ang kanyang biglang nasabi ng mapansin niya di pa naglalaho ang katawan nito.

Lumapit siya ditto at nalaman niya na ito ay nawalan lang ng malay. Hinimas niya ang ulo ni Ate Guy at bahagyang napangiti na din. Kahit papano, may kasama pa rin siya. Hindi siya nag-iisa. Silang dalawa ay makikibaka, tutulong sa pag bangon ng Midgard, at sa pagpapanatili ng kapayapaan.

EPILOGUE

Buhat buhat pa rin ni Pritong Kandule si Ate Guy sa kanyang balikat habang patungo sila ng Prontera. Nagwagi siya kay Baphomet. Natapos na niya ang paghuhukom nito sa buong Midgard.

Bagamat nagwagi siya ay di pa rin niya makuhang mag saya dahil sa mga taong nawala at nag sakripisyo upang magwagi ang kabutihan. Sa isip niya habang naglalakad ay ang awitin na paborito ng kanyang kaibigan.

“Paper Roses
Paper Roses…”

Si Tirso, ang kanyang kaibigan na nagbuwis ng buhay.

“Oh how real
Those roses
Seem to be..”

Bigla siyang natigilan. Hindi na niya inaawit sa isip niya ang mga kataga.

“But they’re only
Imitation…”

At mula sa mga puno ay lumabas ang isang acolyte. Naglalakad kumakanta kanata. Pasalubong sa kanila.

Nakita sila ng Acolyte at biglang nagliwanag ang mukha nito. “AMP!!! NINOOOOONNNNGGG!!!!!”

“TIRSOOOOOOO!!!!” At nagyakapan ang dalawa.

Napansin ni Tirso na sugatan si Ate Guy at nag salita agad ito.

{Start Song}

Together Again…

“HEAL!!!”

Agad na gumaling ang mga sugat ni Ate Guy. “A-anong nangyari?” Napatingin siya kay Tirso at bigla siyang napasigaw “TIRSOOOOO!!!! BUHAY KAAAAA!!!!NYAHAHAHA!!!”

“Aba’y ewan ko!! Nagising ako sa Prontera e. Tapos yun, hinanap ko kayo.”

{End Song}

Nakatingin lang sa kanila si Pritong Kandule. Ng tumingin na sa kaniya ang dalawa ay nagulat ang mga ito.

“NINONG!!! AMP!!! ANG GWAPO MO!!! Ikaw ba talaga yan?” Ang tanong ni Tirso.

Napatawa si pritong Kandule. “`Tis me, Friend Tirso…”

Lalong nagulat ang dalawa. “AMP!!! Bakit ganyan kang magsalita?”

“Aaahh, alas, `tis a long story. One that would require a comfortable chair and mayhap a large mug of ale. I suggest we proceed to Prontera and see to the other wounded” At patuloy na ulit na naglakad si Pritong Kandule papunta sa Prontera.

Nagkatinginan lang ang dalawa at pakamot kamot na sumunod kay Pritong Kandule.

Makalipas ang isang araw, sa gitna ng Prontera, sa taas ng stage….

“NINONG! NINONG! NINONG! NINONG!” ang malakas na sigawan ng lahat ng tao sa midgard na dumalo sa selebrasyon.

Kasama sa nagsisigawan ang lahat ng napaslang na muli ng nag respawn sa Prontera at sa iba iba pang siyudad sa midgard. Kasama din si Kelvs at si Waukeen

“At syempre, bilang pasasalamat ay ibinibigay naming ang aming ipinangako sa aking Kuya Priti Ang kanyang 10k!!!” Ang masayang sabi ni Praetor.

At umakyat si Phage sa stage.

“Priti, heto na yung pangako ko sa yo. At yung date, mamya na lang pagkatapos ng selebrasyon.” Ang nakangiting sabi ni Phage.

“I am indeed very happy with this currency milady. But alas, I could not take it. As a Crusader of The Light, I am duty bound to do battle with anyone who would commit injustice. The acquaintance would suffice.” Ang magalang na turan ni Pritong Kandule.

Dahil doon ay napangiwi si Tirso at si Ate Guy.

“Amp!!! Saying naman yun…” ang pabulong na sabi ni Ate Guy habang hinihimas si Piki na nag respawn din J

“At siyempre, di din natin kinalilimutan ang kabaynihan ng kanyang dalawang kasama. Si Tirso at si Ate Guy!!!!!”

Ng sisgaw ang pangaln ng dalawa ay mayroon yatang pitong pumalakpak na agad tumigil ng mapansin na wala silang kasabay.

Umakyat sa stage ang dalawa sa tabi ni Pritong Kandule at nagkakaway.

“At syempre, meron din silang gantimpala!!! Dahil sa ayawa magpabigay ni Kuya Priti ng cash, ay ito na lang ang ibibigay naming sa kanila, Calibur..” ang sabi ni Preator.

At umakyat si Calibur stage. Kinamayan niya si Tirso at si Ate Guy at tsaka humarap sa mike. “Bilang pagkilala sa kabayanihan ni Tirso at ni Ate Guy silang dalawa ay magkakamit ng tig-isang t-shirt mula sa EL YU DYEE at tig-isang small poring doll!!”

Biglang nanlumo ang dalawa na excited na sana sa makukuha nilang prize.

Ng matapos ang selebrasyon, pinatawag ang tatlo sa office ng mga GM.

“Ahmm. Kuya Priti… di ko alam kung pano sasabihin sa yo to…” Ang sabi ni Praetor.

“Fear not, my brother.” Ang tugon naman ni Pritong Kandule.

“Kasi, di pwedeng mag karon ng crusader pa sa midgard e. Hindi pa yun pinapayagan ng EL YU DYEE, e sila na ang namamahala sa buong midgard. Kaya ang sabi nila e dapat kang ibalik dun sa dati mo, para maging swordsman ka ulit..” Ang nahihiya pang sabi ni Praetor.

“Hahaha!!! Tis no a problem my brother. Whatever law there is in Midgard, I would abide.” Ang sabi pa ni Pritong Kandule.

Sa labas ng kwarto ay nag uusap si Tirso at si Ate Guy.

“Ano kaya sinasabi nila kay ninong?” Ang tanong ni Tirso.

“Ewan ko, pero sana naman bigay satin yung 10 k natin.” Ang sagot naman ni Ate Guy.

Nagulat ang dalawa ng mula sa loob ay may nadinig sila.

“AMP!!! POTA NAMAN O!!! BAT NYO KO BINALIK? AT AKI NA YUN POTANG 10K KO!!!” Ang nadinid nila mula sa loob.

Nagkatinginan ang dalawa, nagliwanag ang mga mata at tsaka sabay sabing “SI NINONG!!” Tuwang tuwa ang dalawa at agad na pumasok sa office ni Praetor. Doon nakita nila si Pritong Kandule na sinisigawan ang mga GM.

“ANONG HINDI KO GUSTO? ANG GUSTO KONG SABIHIN E DAGDAGAN NIYO PA PREMYO KO PERO IBA LUMALABAS SA BIBIG KO NUNG CRUSADER AKO!!” Ang galit na sigaw ni Pritong Kandule kay Praetor at sa mga GM.

“Ahmm, e hindi na pwede aksi pumirma ka sa EL YU-“ Hindi na natapos ang sinabi ni Praetor.

“POTANG EL YU DYEE YAN!!! AKINA 10K KO!!! AMP!! INALIS NYO NA NGA PAGIGING CRUSADER KO!!! MGA BOBO AMP!!!”

Binigyan ni Praetor ng 10k si Pritong Kandule. Pagkakuha niya, ay tinawag niya ang dalawa. “Ate Guy, Tirso!! Alis na tayo ditto mga bobo amp!!”

“Yes Ninong!!” Ang sabi ng dalawa at sumunod palabas kay Pritong Kandule.

Isang araw, sa siyudad ng Prontera, malapit sa BS PIONT, may tatlong nilalang ang saby sabay na sumisigaw.

“POTAAAAA!!! POTA KAYONG LAHAAAATTT!!!! PATI MGA GM POTA DIN KAYO!!!! AT PATI EL YU DYEE!!!! POTAAAAA”


~fin~

No comments: